Part 31

2.3K 59 0
                                    



Hindi mapalagay si April. Hindi niya alam kung kakausapin ba niya si Miguel o iiwasan na lang ito.

Tiningnan niya ang mga trabahador na kasalukuyang hinahakot ang mga lumang landscape paintings. Sinundan niya ng tingin iyon.

Sa halip na ikarga iyon sa nakaparadang truck ay itinambak lang iyon sa pile ng ilng mga kagamitan na mukhang itatapon na rin.

Nilapitan niya ang lalaki.

Wait! Bakit n'yo itatapon ang mga ito? Tanong niya.

Pinigil niya ang isa pang lalaki na may dalang painting na itatambak din sana sa ibang mga gamit.

Kinuha at pinagmasdan niya iyon. It was beautiful piece of art. Binalingan niya ang mga trabahador.

Sino ang nagsabing itapon ang mga ito? Nagkamot sa ulo ang lalaking tinanong niya.

Yong may-ari po ang nag-utos, ma'am.

Ipinatabi niya uli ang mga paintings, saka bumalik sa loob ng bahay. Tumuloy siya sa study room kung saan ito naglalagi. Bukas ang pinto kaya pumasok siya roon.

Don't you know how to knock? Supladong tanong nito.

Katatapos lang nitong makipag usap sa telepono.

Bukas ang pinto, sagot niya.

Humalukipkip ito. What do you want?

Napalunok siya bago nagsimulang magsalita. Bakit bigla nalang itong naging malamig sa kanya.

Totoo bang ikaw ang nag-utos na itapon ang mga paintings?

Tiningnan lang siya nito at hindi nag-react. Bigla tuloy siyang na-conscious.

Bakit mo ipinapatapon ang mga iyon? Puwede pang magamit na dekorasyon ang mga iyon sa resort pag natapos na.

What i do and what i want to do with my thing is not you business.

Puwede mo rin iyong-iauction na lang.

That's enough! May pinalidad sa tono nito.

Bahagyang napaatras siya. Siya namang pagpasok ni Rod.

Kung wala ka nang ibang kailangan, you can leave now. I have a lot of things to do, sabi sa kanya ni Miguel.

Nasaktan siya sa harap-harapang pagtataboy nito sa kanya. Bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito? Bakit tila galit ito? Sapat na ba ang simpleng pagtatanong niya tungkol sa mga paintings para magalit ito?

Rod gave her an apologetic look. Isinara nito ang pinto. Ikinuyom niya ang kanyang kamay.

❤❤❤❤

THE ARROGANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon