April
Walang pakialam si April kung ano ang hitsura niya. Ang gusto lang niyang gawin nang mga sandaling iyon ay patikimin ng masakit na salita ang lalaking basta na lamang pumasok sa CR ng mga babae.
How dare you! Bulag ka ba? This is.... itinuro pa niya ang sign ng ladies room at agad ding natauhan nang makitang panlalaki pala ang napasok niyang CR.
Men's room, pag tatapos ng lalaki sa sinabi niya. Humalukipkip ito at tinitigan siya.
Natameme siya sa sobrang sama ng loob at labis na pag iyak ay hindi niya napansing mali ang pintong pinasukan niya. Sobra sobrang kahihiyan na ang inabot niya sa araw na iyon. Tinitigan niya ang lalaki. Ito rin ang lalaking nakabanggaan niya. Ano na kaya ang iniisip nito tungkol sa kanya?
I don't know what you're feeling right now, but im sure, a lot people will appreciate if you deal with your feelings in more private place.
Nag palinga linga siya. Hindi lang ito ang nakatingin sa kanya. Kulang nalang ay matunaw siya sa kahihiyan. Im sorry, hinging paumanhin niya. Halos hindi iyon lumabas mula sa mga labi niya. Nag mamadaling nilisan niya ang restaurant na iyon. She vowed never to go back to that place again.

BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...