Pagkagaling sa trabaho ay pag luluto agad ang inasikaso ni April. Muntik pa siyang mapaso ng mainit na sabaw nang isalin niya iyon sa isang bowl. Kanina, pagkatapos makipag usap ni Miguel sa telepono ay nag paalam na ito. Sinabihan niyang magpahinga na lang ito pero duda siya kung sinunod siya nito lalo na at mukhang urgent ang pakay ng caller nito.
Pagkaluto ay naghanda uli siyang umalis. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay nagpark na siya sa basement ng building ng opisina ni Miguel. It was already past the working hours kaya ilang tao na lang ang naabutan niya roon.
Hindi nga siya nagkamaling nandoon pa ito nang tanungin niya ang security guard kung nandoon pa si Miguel. Pinapasok siya ng guwardiya. Tumuloy siya sa pakay na opisina. Pinaupo siya ng sekretarya ni Miguel dahil nasa meeting pa raw ito.
Maingat na ibinaba niya ang pagkaing dala niya para kay Miguel. Sigurado siyang hindi pa ito kumakain. Pagkalipas ng ilang sandali ay may isang babaeng umupo sa tabi niya. Napakaganda at napaka elegante nito. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nginitian siya nito. Hindi niya naiwasang makaramdam ng pagkaalangan dito. Sino kaya ang hinihintay nito? Malakas ang pakiramdam niyang hindi ito nagtatrabaho roon.
Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na sina Miguel at Rod. Tumayo siya mula sa upuan pero naunahan siya ng babaeng makalapit kay Miguel. Lumapit at yumakap dito ang babae. Mukhang hindi ito nasorpresang makita ang babae dahil sa mainit na pagtanggap nito. May hatid na kurot sa dibdib niya ang tagpong iyon.
"I know I'm a bit early for our dinner but I can't wait to see you," masayang sabi ng babae.
Nanliit siya. Pagsasayang lang ng oras ang pagdadala niya ng pagkain para kay Miguel. Bakit nito pipiliin ang niluto niya kung mas masarap na pagkain ang makakain nito sa restaurant na pupuntahan nito at ng babae?
Ilang sandali ang lumipas bago napansin nito ang presensiya niya. Pinilit niyang ngumiti. Kung nagulat man ito pagkakita sa kanya ay saglit lang niya iyong nabakas sa mukha nito.
"I-I just dropped by to..." Hindi niya masasabi rito na dinalhan niya ito ng pagkain. Not in front of that woman. "Ipinapatanong kasi ni A-Arthur kung naka-ready na 'yong papers na kailangan niya," pagsisinungaling niya. Mabuti na lamang at nabanggit sa kanya ni Arthur na may kailangan itong dokumento. Kung hindi ay wala na siyang ibang maidadahilan.
Si Rod ang sumagot. "I'm sorry for the delay. I will deliver it myself in your office tomorrow."
Tumango siya at saka tiningnan si Miguel. "I hope you're okay now."
"I am. Thanks," wika nito.
Napalunok siya. Kung ganoon ay wala na palang dahilan para magtagal siya roon. Mabilis siyang nagpaalam dito at dali-daling nagtungo sa kanyang kotse.
"Stupid, stupid, stupid," mahina pero mariing sabi niya sa sarili. Hinampas pa niya ang manibela.
May naramdaman pa rin siyang kurot sa kanyang puso. Hindi sumagi sa isip niya na may nobya na si Miguel. Sinabi na nga ba at dapat niyang pigilan ang nararamdaman niya para rito. Tuloy ay nasaktan uli siya. Hindi na siya nadala. Ang konsuwelo na lang niya ay hindi alam ni Miguel ang lihim na pagtingin niya rito. At least, sa pagkakataong iyon ay naisave parin niya ang kanyang pride. Hindi niya makakayanang sabihin sa kanya nito nang harap-harapan na hindi nito masusuklian ang pag-ibig niya.
Pag-ibig na nga ba 'yon?
Umungol siya. Alam niya ang sagot sa tanong na iyon. She wouldn't be doing all those things kung hindi iyon ang nararamdaman niya. Bigla niyang naisip ang pagkaing dala niya. Nakalimutan niya iyon sa opisina ni Miguel. Okay lang sanang hindi niya balikan iyon pero mayroon siyang inipit na note doon at nakalagay pa ang pangalan niya. Baka kung sino ang makakuha niyo.
Nagpalipas muna siya ng ilang sandali bago siya bumaba ng kanyang kotse at bumalik sa loob ng gusali. Hindi na niya makita ang hinahanap niya. Nang tanungin niya ang security guard, sinabi nitong nakapag linis na ang utility roon kaya baka naitapon ang pagkaing dala niya.
Nakahinga siya nang maluwag. At least hind iyon nakita ni Miguel.
CONTINUE...

BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...