Pinasyal ni April si Mica sa amusement park. Isinama rin niya ang ate Nimfa niya at si Elly na parang bata habang kasamang nakasakay ni Mica sa merry-go-round. Kumakaway ang mga ito sa kanila ng ate niya na nanonood lang. Tuwang-tuwa ang pamangkin niya kapag kinukunan niya ito ng litrato.
''I'm happy you're getting back on your feet'' anang ate niya.
Nginitian niya ito.''Akala mo ba, hindi nakakarating sa akin ang mga nangyayari sa'yo?
''Sinabi ni Mommy sa'yo?''
Inakbayan siya nito. ''He's not worth it. Alam mong umpisa palang ay hindi ko na siya feel para sa'yo. At tama nga ako.''
''Lagi kang tama,'' wika niya.
Noon niya na realize na hindi nito nagustuhan ang lahat ng naging nobyo niya. Bigla niyang naisipang magbiro.
''Sa tingin mo ba, kapag may ipinakilala uli ako sa'yo masasabi mo agad kung para talaga sa akin?''
''I will see. Don't tell me may lalaki nang bumihag sa puso mo?''
Umiling na tumawa siya. ''Of course not. It's just a joke.'' Agad ding nabura ang ngiti sa mga labi niya.
''Im fine. Thanks, ate. Naa-appreciate ko talaga 'yong concern n'yo sa akin.''
Naputol ang pag-uusap nila nang tumatakbong lumapit sa kanila si Mica. Nakasunod dito si Elly.
''Tita April! Tita April! Let's ride again!''
Niyakap at kinarga niya ito.
''Masarap bang sumakay?''
Tumango-tango ito.
''Doon naman tayo sumakay sa flying car,'' yaya ni Elly sa pamangkin niya.
''Sige po,'' pagpayag ni Mica.
They all enjoyed that day. Nakatulog sa pagod ang pamangkin niya habang pauwi na sila. Inihatid niya ito at ang mommy nito bago sila umuwi ni Elly sa condominium niya. Balak nilang magkaibigan na mag-movie marathon. Susulitin nila ang weekend na iyon dahil pagkatapos niyon ay magiging busy na uli sila. Sisimulan na kasi ang contruction ng project nila kay Miguel.
Kasalukuyan nang sinisimulan ang clearing sa construction site bilang paghahanda sa groundbreaking. Kung hindi lang kailangan ang presensiya niya roon ay hindi sana siya pupunta. She didn't want to meet Miguel again. Pero iyon ang isa sa mga pagkakataong hindi niya ito maiiwasan.
❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...