April
Animo may nag uudyok kay April na gumising kaya dumilat siya. Umaga na pala. Hinanap ng mga mata niya si Miguel ngunit bakante na ang sofa na hinigaan nito nang nagdaang gabi. Tumayo siya at hinanap ito. Sa balkonahe niya nakita ito. Nilapitan niya ito.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
Humarap ito sa kanya. Blangko ang ekspresyon ng mukha nito.
"Bakit nandito ang mga paintings na 'yon?"
Hindi agad siya nakapagsalita. Naglingaling batukan niya ang sarili dahil nawala sa isip niyang makikita nito ang mga paintings kapag dinala niya ito sa kanyang bahay.
"I brought them here. Nanghinayang kasi---"
"Dinala mo rito nang hindi sinasabi sa 'kin?"
He was obviously mad about it. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit. Pero hindi siya papayag na mapagsabihan nito.
"Ipinatapon mo na ang mga 'yon, 'di ba? Ibig sabihin, itinapon mo na rin ang karapatan mo sa mga 'yon. Like i've said, nanghihinayang akong tuluyang mabasura ang mga 'yon. Magaganda pa naman ang mga iyon. Kahit sinong makakita no'n sa basurahan, siguradong kukunin din at hindi susunugin gaya ng utos mo."
Bumuntong hininga ito.
"I'm sorry if i took your paintings without informing you," bawi niya. Hindi pa nga pala ito magaling kaya hindi niya dapat pinagsasalitaan.
Nanatili itong tahimik
"Wag ka sanang magalit. Pero ano ba'ng mayro'n sa mga paintings na iyon at ayaw na ayaw mo?"
Ilang sandaling tinitigan siya nito. Waring inisip nito kung sasagutin ang tanong niya.
"Sa father ko ang mga paintings na 'yon," kapag kuwan ay sabi nito. "He used to paint when he was still alive. He stopped painting when my mother died and became an alcoholic."
Hindi niya inaasahan ang narinig. Ang natitiyak niya ay hindi madali para dito na sabihin iyon base sa ekspresyon sa mukha nito. He was in pain. Nag desisyon siyang makinig na lamang sa iba pang sasabihin nito.
"I was eight years old when my mom died. Pakiramdam ko ay isinama na rin niya si daddy sa pag alis niya. I used to look up to my dad. Pero mula nang mawala si mommy, unti-unting nawala ang pagmamahal at paggalang ko sa kanya. Walang araw na hindi siya lasing. Napabayaan niya ang sarili niya at ang family business na pinagtulungan nilang itaguyod ng namayapa ko na ring uncle. I hated him for that."
She could feel his pain. Kusang kumilos ang kamay niya para hawakan ang kamay nito.
"I don't have fond memories of my childhood. Lumayo ako habang si daddy ay patuloy pa rin sa miserable niyang buhay. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako babalik sa villa hangga't wala akong napapatunayan sa kanya. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit pinabayaan niya ako ay may narating ako sa buhay. I want him to beg for my forgiveness." His voice cracked. "Hindi lang siya nawalan. Nawalan din ako ng ina. But he wasn't strong enough to face it. Iniwan niya 'ko. He was there, but he really wasn't. Nagkaroon siya ng cancer of the liver. Like a weak man that he was, he succumbed to death. I hate him even more for that."
"I'm sorry." Iyon lang ang tanging nasabi niya. Niyakap niya ito. Gusto niyang ipadama rito na hindi ito nag iisa. Na mayroon itong karamay sa katauhan niya.
Siguro ay matagal na panahon nitong kinimkim ang sama ng loob nito. Pero sabihin man nitong galit ito sa ama nito, nararamdaman niyang sa isang sulok ng puso ito ay naroon pa rin ang pagmamahal. Hindi ito masasaktan nang ganoon kung hindi nito mahal ang ama nito.
She wanted to help him ease the pain. Pero hindi niya alam kung paano gagawin iyon.
Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanila.
Hinawakan nito ang baba niya at itinaas ang kanyang mukha. Nagtama ang mga mata nila. Nabasa niya sa mga iyon na nakabawi na ito sa bugso ng galit para sa ama nito. What she saw in his eyes were new emotions she couldn't name. Nangilid ang luha niya dahil masaya siya para dito.
"Please don't cry," paanas na sabi nito. Unti-unting inilapit nito ang mukha sa mukha niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya. She knew what he was about to do. Pero sa halip na lumayo rito ay nanatili siya sa kanyang kinatatayuan. She angled her face so she could meet his lips. She close her eyes.
Noon naman biglang tumunog ang cell phone nito. Awtomatikong dumilat siya. Ito ang unang naka recover kaya ito ang unang dimistansya. He murmured an apology before he left to take the call. Napakagandang timing ng tawag na iyon. Naghihimutok na sabi niya.
CONTINUE....
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...