April
Masakit ang ulo ni April kinabukasan. Hindi na siya nagtaka dahil ilang bote ng beer ang ininom niya nang nagdaang gabi. Pinilit niyang bumangon. Hindi niya naiwasang maging sentimental nang nagdaang araw at siya lang ang nakakaalam kung bakit. She looked at her cellphone. Napailing siya nang makitang walang text message si Paulo. Yesterday was supposed to be their first year anniversary. Pero hindi na sila umabot doon.
This is the last time I'm gonna think of him, she promised herself.
Hindi siya sanay uminom kaya agad na tinablan siya. Nagtaka siya kung paano siya nakarating sa kanyang kuwarto. Paanong sa kalasingan ay nagawa pa niyang hubarin ang kanyang mga sapatos at maingat na nailagay ang mga iyon sa ilalim ng kama?
Kumunot ang kanyang noo habang pilit na iniisip ang huling mga oras bago siya nakatulog. Naalala niya ang pagpipilit niyang makarating sa kanyang silid pero malabo parin ang iba.
Agad na kumilos siya nang maalalang kukunin na nga pala nang araw na iyon ang mga gamit sa loob ng villa dahil sisimulan na ang renovation ng loob ng main house. Paglabas niya ng silid ay naabutan niyang abala na ang mga trabahador sa pagbubuhat ng mga muwebles. Nakita siya ni Ronan. Dinulutan siya nito ng isang tasa ng mainit na kape at saka siya tiningnan nang makahulugan.
''What?'' Pasinghal na sabi niya.
''Uminom ka ba kagabi?''
Ngumisi siya. ''Tayo. Hindi ba?''
''I mean, after that.''
Natigilan siya. How did he know? Siniguro niyang nag-iisa lang siya at walang nakakita sa kanya.
''A-anong sinasabi mo?'' Pagkakaila niya.
''Nakita ka ni Mr. Villuna.'' Napamaang siya sa narinig.
''Inaalala ko lang kung ano ang magiging impresyon niya sa'yo after that.''
Parang bigla siyang nanghina.
''Nakita niya 'ko?'' Paniniguro niya.
Tumango ito. ''kinarga ka pa raw niya papunta sa kuwarto mo.''
Napapikit siya at saka umungol. Tinanong siya ni Ronan kung bakit siya uminom pero hindi na siya sumagot. Problema na naman niya kung paano haharapin si Miguel.
❤❤❤❤
BINABASA MO ANG
THE ARROGANT
Teen FictionArogante at dominante ang unang impresyon ni April kay Miguel ang labis pa niyang ikinainis dito ay parang sinisikap talaga nitong saksihan ang mga weak moments niya. She was recovering from a heartbreak and the least she needed was a man who keeps...