02: Dati

136 10 3
                                        


Dati

Sa asul na kalangitan, nakakalanghap ng sariwang hangin, mga ibon na lumilipad. Ako'y nakaupo sa ilalim ng puno inaalala ang mga pangakong iyong binitawan at mga alaala na iyong iniwan. Ang sakit na hanggang alaala na lang ang dati. Ang dati na meron pang tayo. Na meron pang ikaw at ako. Umiiyak na parang walang bukas. Kasi ang dati na meron pa tayo. Lahat ng yun isa na lang alaala. Alaala ng kahapon na tayo'y magkasama. Mag kasama na pinapanuod ang paglubog ng araw sa kalangitan. Magkahawak kamay at sabay na haharapin ang mga pagsubok ngunit iniwan mo akong nag-iisa na hinaharap ang mga pagsubok na dapat sabay nating pagdadaanan. Iniwan mo akong nag-iisa, ni hindi mo man lang nagawang mag-paalam. Masakit man sa damdamin, sakit at kalungkutan man ang dala nito. Mawawala din ito. Dahil ang panandaliang kasiyahan na iyong binigay, pang matagal na kalungkutan ang iyong isunukli. Mawawala din tong sakit na iyong ibinigay. Kasi yung dati na meron pang tayo. Ito'y magiging alaala na lang.

----------------------------
Thank you for Reading!

By:
Wattpad: bunchoftears

Kindly Vote and Comment!
Thank you!

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon