New Update hahaha 😘
Kaya
Hanggang saan ko ba kakayanin ang mga hirap na nadadanasan ko habang nakikita kita sa malayo na masaya sa iba. Hanggang saan ko kayang tanggapin na hindi na tayo pwede pang magkabalikan dahil napakawalan na kita. Hanggang saan ako magtitiis sa mga pangungutya ng isipan kong wag ka nang balikan pa dahil may mahal ka nang bago. May mahal ka nang kaya kang mahalin hindi tulad ng pagmamahal ko sayo. May mahal ka nang hindi ko katulad. May mahal ka nang mahal na mahal mo. Ilan taon na ang lumipas simula nung nagkahiwalay tayo ngunit hindi na maibabalik pa iyon. Alaala na lamang ang mga iyon dahil hindi na maibabalik pa ang nasayang oras. Nasayang na oras na hindi pinahalagahan. Nasayang na oras na sinadyang sayangin. Lagi ko na lang pinatatatag ang sarili ko at sinasabing 'kaya ko to' ngunit tuwing tayo ay nagkakasalubong at kasama mo pa 'siya' ay nanlulumo ako na parang hindi na ko makadiretso pa ng tayo. Hanggang sa nakasanayan ko nang nakikita kayong masaya at nagpakasal na at nagkaroon na ng masayang pamilya. Napili ko na lang na maging malaya sa mga kamay mong ako mismo ang nagkukulong sa sarili ko. Nakaya ko nang maging malaya. Nakaya ko na uli magmahal. Nakaya ko nang maging masaya sa piling ng iba. Naka move on na ako. Nakaya ko na.
------------------------------------------
Thank you for Reading!
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
KurzgeschichtenIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)