03: Martyr

95 8 0
                                    

Martyr

Alam kong marami kayong ma-rerelate sa babasahin na ito pero ang hirap naman kase diba?
-------------------------

Araw-gabi lagi kitang iniisip kahit na nakikita ko kayo araw-araw kasama ang minamahal mo na bestfriend ko. Hindi ako maka-angal kung bakit ganon dahil wala naman akong karapatan. Yun nga eh. Wala akong karapatan dahil hindi ka naman akin. Sa kanya ka. Sa bestfriend ko. At eto ako nagtitiis kahit na unti-unti na kong namamatay sa kaloob-looban ko. Sino ba ako sa buhay mo? Ano ba ang papel ko sayo? Scratch paper? Ang saket naman ata non. Kahit na lagi kitang tinititigan ay wala pa rin akong magawa. Hanggang tingin na lang talaga dahil masisira ang pagkakaibigan namin ng iyong minamahal. Sana ay makahanap naman ako na tatawagin kong 'akin' na walang kahati at walang pag-aalinlangan na ipaglaban dahil may karapatan ako. May karapatan akong ipaglaban siya. Kung ang ipaglaban ka ay makakasira sa pagkakaibigan namin ng iyong iniibig ay mananatili na lamang akong tahimik. Tahimik na halos walang makakadinig.Hanggang dito na lang ang magagawa ko dahil wala na akong magagawa. Pag lalo kong ipipilit ang sarili ko sa pagmamahalan ninyong dalawa ay lalo lang maipapamukha sa aking wala na talagang pag-asa. Na imposible na talaga.

------------------------
Thank you for reading!

By:
Wattpad: Meyka_02

Kindly Vote and Comment!
Thank you!

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon