Sa aking paglalakbay
Hindi ako makaalis sa lumbay
Nawawalan ng malay,
Unti unti nawawalan ng buhay
Talo na ako,
Pagod na din ako,
Emosyong naghalo-halo
Tila nagkagulo lalo
Mga kamay na magkahawak
Nalilimutan di hamak,
Sa panahong tuluyan akong mapagod,
Wag kang mag-alala, ako'y malulugod
Di lahat ng natatalo ay sumusuko,
At di lahat ng nananalo ay lumalaban,
Unti unti sumasakit ang puso ko
Pagod na ako, ako'y napaghihinaan
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
Cerita PendekIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)
