22: Mundo

17 1 0
                                    

Nakatingin sa malayo,
Nag-iisip ng malalim,
Ano nga ba ang bago?
Sa mundo kong kay dilim

Napalingon ako sa iyong direksyon,
Nakatitig ka,
Di ko alam ang gagawing aksyon,
Kaya tumingin na lang ako sa iba

Ibang pagkakataon,
Ganoon pa rin hanggang ngayon,
Umiiwas ng tingin,
para ibago ang ihip ng hangin

Sa aking madilim na mundo
na tila huminto,
Nanatili ka sa tabi ko
kahit na naiinis ako sayo

Still dedicated for youuu ❤ -sjm

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon