27: Barkada

7 1 0
                                    

Nakikita kitang nag- iisa
Mga tugtugin ay mukhang walang bisa
Mukha mo'y di maipinta
Ngiti naman dyan baka masita

Wala namang hahadlang
Wag ka lang sasagot nang pabalang
Hindi ako sanay na nakasimangot ka
Ngumiti ka na kasi, sige na

Wag kang mag- alala
Kahit pa gaano yan kalala
Para saan pa at kami iyong nakilala?
Kulang lang yan sa gala

Kahit anong gulo ng iyong mundo
Sasamahan ka namin hanggang dulo
Kahit ano pang ikot ng ulo
Nandito pa rin kami sa tabi mo

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon