Magkasama palagi,
Parehong nagbibigay ngiti
Alam ang isa't-isa kahit kiliti
Ngunit nagkaroon bigla ng hapdi
Gumagabay lagi sa iyo,
Magkaibigan ang turingan, Oo
May gusto kang iba
Sinusuportahan kita diba?
Pero nagkaroon bigla ng kaba
Lagi kitang kasama,
Wala naman akong nakikitang masama
Ano nga ba ang nadama?
Bakit biglang napasama
Nung kinailangan mo ako,
Lagi akong nasa tabi mo,
Iyak ka nang iyak,
Sabi mo, puso mo'y parang sinaksak
Ilang taon ang lumipas,
Nakaupo tayo sa labas,
Ganda mo'y walang kupas,
Ngiti ko sa mukha ay bakas
Noon pa man, gusto na kita
Hindi mo ba nakikita?
Nung sinabi mong 'Mahal kita'
Ikaw lang ang bukod tangi kong nakita.
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
Short StoryIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)
