42: Parang wala lang

14 1 0
                                        


Alam kong may katapusan din ito
Kusa na lamang ito hihinto
Di na ko aasa na maging tayo
Di na din aasa na ako'y maging sa'yo

Tanggap ko na pero ako'y nanghihina
Ayos lang pero nahirapan ako huminga
Alam ko na pero hindi ako makagalaw
Nalaman ko na pero ang gusto ko pa rin ay ikaw

Masakit isipin na parang wala lang
Wala lang yung pinagsamahan natin
Wala lang yung masamang pangitain
Pero mukhang hanggang dito na lamang

Nakakalungkot din kasi
Di mo man lang napansin
Di mo ko nagawang ibigin
Ikaw tuloy ang nasisi

Short Hugot StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon