Dahilan
Ang sabi nila, Everything happens for a reason. Eh bakit ganon? Umalis siya ng walang dahilan at iniwan akong mag-isa. Ni walang pasabi kung anong nangyari. Ni walang dahilan. He left me all alone. Sarili ko lang ang aking kakampi. Noong una'y tayo ay masaya pa pero nung una lamang iyon. Nang dumating ang iyong dating kasintahan ay naging malamig ka na sa'kin. Araw-araw na tayong nag-aaway kahit sa mga maliliit na mga bagay. Lagi mo na lang ako sinisisi sa mga bagay na hindi ko naman ginawa. Yung tipong parang wala ka nang ganang makasama pa ako. Yung tipong wala na talaga tayo. Gawin ko man lahat ng tama. Mali at mali ko lang talaga ang mga nakikita ng mga mata mong malamig na ang tingin sa'kin. Ako ang dahilan kung bakit kayo nagkakilala at ako rin ang dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay. At nung naging tayo na'y lagi mo na lang nababanggit ang kanyang pangalan kahit na ako naman ang nasa iyong harapan. At hanggang sa humantong sa puntong nakipag-hiwalay ka na sa'kin simula nung bumalik na siya. Wala kang binigay sa'king ni isang dahilan.
------------------------------------------------
Thank you for reading!Kindly Vote or Comment!
Thank you!
![](https://img.wattpad.com/cover/87574803-288-k625897.jpg)
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
Historia CortaIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)