Lahat ay nagsasayahan
Bawat isa'y nagtatawanan
Walang nangyayaring iyakan
Subalit parang may napag-iwanan
Sa dami-daming tao
Parang nag-iisa ako sa mundo
Hindi humihinto
Patuloy lagi sa pagtakbo
Patuloy sa pagtakas
Paghihirap ay parang walang wakas
Nawala na lahat ng lakas
Pero nananatiling ngiti ay bakas
Takbo, tumakas sa katotohanan
Pangarap na magkaroon ng hangganan
Masyado na akong nahihirapan
Ayoko na, di ko na kaya tapatan
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
Short StoryIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)
