10: Araw ng mga Puso

57 4 2
                                    

Araw ng mga Puso

Taon-taon lagi tayong magkasama sa araw ng 14 tuwing Pebrero. Laging tayong magkahawak kamay. Laging kumakain sa labas. Lagi mo kong binibigyan ng mga regalo. Lagi mo kong pinagtutuunan ng pansin. Lagi mo kong minamahal. Pero... Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Biglang naglaho ang lahat na parang bula. Nawala lahat... Noon ay ipinagdidiwang pa natin ang araw ng mga puso ngunit ngayon ay kinakalimutan mo na ito at ang masama pa ay... Sa araw na ito... Ay ang araw ng hiwalayan natin. Inaasahan kong lalabas nanaman tayo upang magsaya kasama ang isa't isa pero nabigo ako. Inaasahan kong sasaya nanaman ako dahil makakasama kita sa buwan ng Pebrero pero nabigo nanaman ako. Lahat ng inaasahan ko ay nabigo ako. At ang pinakamasakit sa lahat ay... Pagkatapos mong makipaghiwalay sa'kin ay may makikita na agad akong bago mo. Na ka-date mo na sa araw ng mga puso. Na ka-holding hands mo na. Na masaya kayo sa isa't-isa. Na nakakatanggap ng mga regalo mula sa iyo. Na mahal na mahal mo..... Lahat ng ginagawa mo ay ganon pa rin pero sa kasamaang palad ay... Sa ibang tao mo naman na ito ginagawa... Ang katotohanang hindi agad natanggap. Pero handang tanggapin at hahayaang mag-hilom ang mga sugat na sariwa pa...Hanggang sa muling pagbangon. Hanggang sa harapin muli ang araw ng mga puso na tumatayong matatag kahit na mag-isa.

-----------------------------------
Thank you for Reading!!!

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon