16: Lito o kabado?

10 1 0
                                    


Naiinis ako,
nahuhulog na ata ako sayo
Hindi ko alam ang gagawin ko,
ako ba ay lito o kabado?

Sa isang sandali,
Inis ko'y iyong hinawi
Tuwing may pighati,
Ika'y nagbibigay ngiti

Bakit parang huli na ang lahat?
Hindi na magagawa pa ang dapat
Gusto ko man ibigay nang sapat
Ngunit parang bawal ipagtapat

Oo,
Mahirap sa akin ang ganito
Parang eroplano,
Di makita ang pupuntahan pero may punto

Sana hindi pa huli
Upang masabi ko muli
Dahil mahirap isipin,
Kung ano ba ang pipiliin

Dedicated for youuu, sana pansinin mo uli ako ❤ sjm

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon