Sa araw-gabi nating pag-uusap
Tila nakakita ako ng alitaptap
Saya na may halong kilig
Kilig na kailanman di madadaig
Sana ikaw na nga talaga
Dahil ikaw ang aking pinapahalaga
Sana ikaw ay aking maalala
Sa paglipas ng panahon at ito'y lumala
Sa mga ngiti mo'y ako din ay napapangiti
Sana dito ay wala nang kahati
Tatanggapin ko nang maluwalhati
Ikaw lang ang aking minimithi
Di ko namalayan na minahal ulit kita
Bumalik lahat ang matagal nang nalimot
"Mahal kita" saan nga ba ito aabot?
Marinig mo sana o di kaya'y makita
Dahil aking sinta, ika'y muling aking minahal.
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
Short StoryIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)
