41: Nag-iisa

12 1 0
                                    

Sa mga ngiti mo ako'y nahulog

Sumabay ako sa agos ng ilog

Kahit na alam kong walang sasalo

Ayos lang kahit ako'y matalo

Sino ba naman ang hindi mapapa-ibig sayo,

Bukod tangi ka sa mga nakilala ko

Minahal na kita nang husto,

Masamang balita, may iba kang gusto

Ayos lang kahit anong mangyari

Ayos lang kahit di ikaw ang aking hari

Tanggap ko na sa simula pa lang

Nagkaroon na ng sagot ang dating patlang

Susuportahan pa rin kita

Dahil alam mong mahal na mahal kita

Sana nga ito ay iyong nababasa

Dahil hanggang ngayon, sa puso ko'y, ika'y nag-iisa

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon