Nandyan ka palagi
Nasa tabi ko
Ika'y nagbibigay ngiti
Pero nagkaroon bigla ng delubyo
Nagustuhan ko siya,
Hindi ikaw kundi iba
Sa kanya ako masaya,
Pero ikaw ang lagi kong kasama, diba?
Sinusuportahan mo ako
Nandyan ka buong buhay ko,
Simula pagkabata,
Hanggang sa pagpikit ng mata
Nung kinailangan kong pumili
Hindi na ako nahirapan
Sa atensyon mo ako'y nawili
Kaya sayo ako nagtapat nang harapan
Nakita ko ang iyong galak
Kaya di ko naiwasang humalakhak
Sa puso mo ito'y tatatak
Sabayan na rin ng iyong utak
Nung sinabi ko sayong 'Mahal kita'
Totoo ako sa aking salita
Tuwa sa mukha mo'y kitang- kita
Kaya sayo ko agad binalita
BINABASA MO ANG
Short Hugot Story
Historia CortaIf "I love you" was a promise would you break it, if you're honest Short Hugot Story with a twist of poetry ❤ (2016-2019)
