05: Halaga

85 7 0
                                        

Halaga

Gaano nga ba kahalaga ang 'TAYO' para sayo? Na ngayon tila'y nagbago ang ihip ng hangin. Nasaan na ang nakilala kong ikaw? Nasaan na ang
taong minahal ako ng buong puso? Marami na tayong pinagsamahan na nagpasaya sa akin. Ngunit kabaliktaran ng saya ang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap, Oo ang hirap para kang nakalimot sa nakaraan natin. Ang sakit, Oo napakasakit na araw araw akong naghihintay sa pagbalik ng dating ikaw. Ngayon araw-araw akong humihiling sa bituin na sana mahalin mo muli. Gusto man kitang kausapin kaso napapangunahan ako ng takot. Takot? Oo takot na mawala ka , takot na mapag-isa. Pero ano pa ba ang magagawa ko kung ngayon palang parang magisa na ako. Panahon? Na naglaho parang pinagsamahan natin , sabagay may mga bagay talagang naglalaho. Oras? Na sana mabalik ang nakaraan na sana masaya nalang tayong magkasama, ngunit may mga bagay talagang hindi na nababalik pa.  Pero siguro nga pagsubok lang ito na aking haharapin . Mahal kita, Oo mahal kita kaya't hindi kita kayang  iwan, na kahit nagmumukha ako tanga at ikaw, Oo ikaw ang manhin manhid mo. Pero siguro ako nalang ang gagawa ng paraan. Paraang mabalik ang dating ikaw. Ang dating tayo at sanay ang puso'y hindi sumuko. Na kahit nakakulong ako sa mga kamay mo, na kahit hindi na ako malayang  gawin ang mga bagay na gusto ko susundin ka parin dahil mahal kita. Ilang beses mo pang bitawan ang salitang iiwan na kita kahit ang sakit sakit titiisin ko maayos lang tayo mahal. Walang hanggang pagmamahal  iaalay sayo aking mahal.

-----------------------------------
Thank you for reading!

By:
Wattpad: Rominaagravante26

Kindly Vote and Comment!
Thank you!

Short Hugot StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon