2
Maaga akong nagising ng marinig ko ang mga kapatid ko na kinakalampag ang kwarto ko.
"Ate! Ate!"
Tumayo ako at binuksan ang pinto. Nakatanggap ako kaagad ng yakap mula sakanila. Niyakap ko na din sila.
"This is a happy happy day!"
Sabi nilang dalawa.
"Nandyan na ba ang mga make up artist niyo?"
"Yes Ate!"
"Sige na. Maliligo na din si Ate."
Hinalikan muna ako ni Joanna at Jac bago lumabas ng kwarto ko. Naligo na din ako para makapag ayos na ko. Mabilis lang naman ako ayusan dahil ayoko ng masyadong nilalagyan ng make up ang mukha ko.
"Miss Julie oras na para suotin ang gown mo."
Ngumiti naman ako at pumasok sa dressing room ko. Sinuot ko ang wedding gown na design pa ng mga kapatid ni Elmo. Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko. Ang ganda ganda ko.
"Miss Julie?"
Binuksan ko ang pinto.
"Woah! Ang ganda mo talaga."
"Salamat."
"Oo nga po pala, ito po oh."
Nagtataka naman ako kung bakit mas binigay siya sakin na mask.
"Para saan?"
"Kagabi lang po samin pinaalam ng designer ng gown niyo po na may kasama pong mask yung wedding gown niyo po. Wag din daw po kayo mag-alala kasi yung groom niyo po meron din pong mask."
"Siguro para may thrill noh?"
Tanong ko sakanila na ikinatawa nila. Sinuot ko ang mask na binigay nila. Maganda naman. Pero parang napaka mysterious naman ng dating nito pero hayaan na. Sinabihan na nila ako na kailangan ko ng sumakay sa bridal car. Habang nasa loob ako ng kotse hindi ko maiwasan na kabahan. Parang may libo libong kabayo ang nag uunahan sa loob ng puso ko.
"Ma'am nandito na po tayo sa simbahan."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Nakikita ko na ang mga bisita na nagkukumpulan. Mas lalo akong kinabahan.
"JULIE!"
Nagulat ako ng biglang sumulpot ang bestfriend ko sa school na si Maqui. Binaba ko kaagad ang bintana.
"MAQUI!! Akala ko ba nasa states ka? Akala ko na hindi ka makakauwi sa kasal ko? Akala ko ba.."
"Hep! Tama na. Nandito na ko oh."
Ngumiti siya.
"Pinilit ko talaga na makarating dito at pinilit sila Mommy na umuwi muna ng Pilipinas para sa kasal mo."
"Thank you talaga, Maqui."
"Anyway, ang ganda mo talaga Julie. Dyosa kung dyosa!"
Natawa naman ako.
"Maq? Nakita mo na si Kev?"
"Uhm, hindi pa. Siguro nandun sa kwarto at nag aayos. Siyempre kailangan gwapo kapag nakaharap ang bride."
Ngumiti naman ako.
"Eh si Elmo? Nakita mo na ba siya?"
"Si Emong? Wala pa. Tinatawagan ko nga kasi siya ang partner ng kapatid mo diba?"
"B..Baka late lang."
"Sabagay."
"Ma'am Julie, start na po."
BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanfictionWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.