Last Special Chapter

982 48 2
                                    


Last Special Chapter

Kakabalik ko lang galing sa company conference namin sa Cebu. Nakakapagod ang byahe pero hindi ko na ininda yun dahil gusto ko na puntahan ang asawa ko.

"Young Master."

Ngumiti ako sa driver ko.

"Kamusta Josh?"

"Mabuti naman po."

Pinagbuksan na niya ko ng pinto. Nagsimula na din siyang magmaneho.

"Hatid sundo mo ba si Julie?"

"Tulad po ng hiling niyo."

"That's good. Kamusta pala siya?"

"Nung isang araw po kasi galit na galit po si Young Lady."

Napakagat labi ako. Alam ko kung bakit galit siya. Ako kasi ang dahilan nun. Kaya nga kahit tatlong linggo dapat ang conference napauwi na ko after three days.

"May problema po ba, Young Master?"

"Wala naman Josh. Nasa bahay pa din ba nila Daddy Ninong si Julie?"

Tumango naman ito.

"Okay good. Sa bahay namin tayo pumunta may kukunin lang ako."

Nakarating na kami sa bahay ng magulang ko at hindi na muna nagpakita sakanila. Rinig ko sila na nag-uusap sa may dining. Nagtatawanan pa sila. Gusto ko din sana sila makausap at mayakap pero kailangan ko muna puntahan ang asawa ko.

"Inday! Mabuti nandito ka! Sino nga pala ng bantay sa bahay natin sa batangas?"

"Sila Kleng po."

"Okay good. San na yung susi?"

Binigay naman niya sakin.

"Salamat Inday!"

Pumunta na ko sa may likod at nakita ko dun ang motor ko. Lumapit ako at hinawakan yun. Matagal tagal na kitang hindi nagagamit. Kailangan kita ngayon. Kailangang kailangan. Sumakay na ko at pinaandar yun. Pumunta ako sa bahay nila Daddy Ninong.

"Daddy Ninong!"

"Elmo? Anak, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa conference ka?"

"Hindi po ako makakapag focus kapag tumagal pa po ako doon. Galit po sakin ang asawa ko."

Ngumisi siya.

"Oo nga nasabi nga niya dahil tuwing pag uusapan ka namin bigla nalang magdadabog."

Napakamot ako sa ulo ko.

"Saan po siya?"

"Nandun sa may pool side."

Tumakbo ako papunta doon at nakita ko siya na nakababad ang paa sa pool at tulala. Namiss ko siya. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero kailangan pigilan ko dahil galit pa siya sakin. Kilala ko si Julie hindi siya basta bastang magpapasuyo sakin. Kahit kantahan ko pa siya dito hindi siya kikibo.

"Julie.."

Bigla siyang napalingon sakin. Tumayo siya kaagad at akmang tatakbo ng hinatak ko ang kamay niya.

"Ano ba!"

"I'm sorry wala naman talaga yun."

"Wala mo mukha mo!"

Mas nilapit ko pa ang katawan niya sakin at niyakap siya ng mahigpit.

"Maniwala ka, hindi ko naman alam na si Olivia ang may ari ng resto na yun."

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon