Epilogue
"Wala ka pa bang balak makipagkita sa prinsipe mo?"
Napabuntong hininga ako.
"Nahihiya po ako kay Elmo at kay Tita Marivic, Papa. Nag walk out po ako dahil lang sa inaakala ko na mahal mo pa po siya at hindi mo po minahal si Mama."
"Ikaw talaga, anak. Wag mo na isipin yun."
"Pero Papa.."
Ngumiti siya sakin.
"Tulad ng sabi ko sayo ang love story namin ni Marivic, tapos na. Pero tingin ko hindi pa.."
Napakunot noo ako.
"Kasi ikaw at Elmo ang magpapatuloy ng love story namin."
"Pa.."
"Galit sakin si Edward dahil hindi ko pinaglaban si Marivic. Pero hindi ako nagsisisi dahil nakilala ko ang Mama mo. Kaya kung hindi man natuloy ang love story namin at least alam namin na ikaw at si Elmo ang magpapatuloy nun."
Napangiti ako sa sinabi ni Papa. Tama siya, hindi ko nga kailangan mangamba pa o isipin pa ang nakaraan ang tanging mahalaga nalang ngayon ay ang kasalukuyan. Kami ni Elmo at si Patatas.
"Pa, tama po kayo."
Ngumiti siya at niyakap ako.
"Basta anak lagi mong iisipin na mapaglaro ang tadhana. Tulad namin ni Marivic, di man kami nagkatuluyan at least itinadhana naman niya ang mga anak namin."
"Sa tingin niyo po may dahilan yun?"
Kumalas siya sa yakap ko.
"Oo naman. Baka naisip ng tadhana na mas maganda ang kakahantungan ng love story niyo kesa samin."
"Pa, kapag lumabas na si Patatas ikukwento ko sakanya ang lahat ng ito."
"Kaya nga puntahan mo na si Daddy niya at baka magtampo yan. Sabay niyo ikwento kay Elmo ang mapaglarong tadhana natin."
Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam na kay Papa na pupuntahan ko na si Elmo. Pinuntahan ko siya sa bahay nila kung bahay man ang matatawag doon dahil sa sobrang laki nito. Pinapasok naman kaagad ako at nakita ko si Tita Marivic na nasa may hagdanan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya lalo na sa ginawa ko pero ng makita niya ko agad siyang lumapit sakin at niyakap ako. Niyakap ko na din siya at di ko napigilan na mapaiyak.
"Tita...Tita, I'm sorry...I'm sorry po sa inasal ko kanina.."
"Shh. Don't be sorry."
Kumalas siya sa yakap namin at nginitian ako. Kinuha niya ang kamay ko at naupo kami sa sofa.
"Normal lang ang naramdaman mo, Julie."
"Akala ko lang po na hindi talaga minahal ni Papa si Mama ng dahil po sainyo. Kung ano ano na po ang pumapasok sa isip ko na baka magmahalan ulit kayo ni Papa. Paano na po kami ni Elmo...sorry po kung naisip ko yun."
Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ang nakaraan namin ay naiwan na sa nakaraan at hindi na pwedeng dalhin sa kasalukuyan. Tanging ala-ala nalang ang meron kami pero kung tutuusin makita lang kayo ni Elmo na masaya, siguro alam na namin ang sagot kung kami man ang nagkatuluyan. Pareho kaming masaya tulad niyo."
Parang yung sinabi lang ni Papa..
"Pero ang tadhana na ang humusga at ang gusto nitong mangyari ay ang mga anak namin ang magtuloy ng naudlot naming istorya. Kaya hindi kami manghihinayang ni Jonathan lalo pa at nakilala namin ang one great love namin sa buhay."

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
Hayran KurguWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.