Epilogue

870 46 0
                                    


Epilogue

Tatlong linggo na ang nakakalipas ng makalabas si Elmo sa ospital. Naging maayos naman na ang kondisyon niya. Hindi muna siya pinagtrabaho ng Daddy niya kaya ang OIC na si Paul ang ngarag sa opisina ngayon. Kahit kasi cellphone hindi pwede gumamit si Elmo kasi puro trabaho lang ang gagawin niya.

"Hay naman! Ang dami mong pinabili na prutas."

Natawa ako.

"Sorry na Maq. Nandyan naman ang driver mo na si Rodjun eh kaya buo na ang araw mo. Ayieee!"

"Sus. Pasalamat ka talaga! Alam mo kapag magaling na magaling as in magaling na talaga si Elmo sasabihin ko sayo na magbabakasyon ako ng 2 months! Bahala ka sa shop!"

Natawa ako.

"Opo opo. Sagot ko pa vacation mo."

"Naku! Sabi mo yan ah!"

"Opo."

"Pero Julie, ang saya saya ko para sayo. Kita mo, level up ka nanaman. Niyaya ka magpakasal ni Elmo ulit? Wala pa nga kayong isang taon sa pagiging kasal tapos kasal nanaman ulit? Haha."

Umupo ako sa tabi niya.

"Hindi ko nga din alam, Maq. Hindi ko pa din makalimutan yung araw na inaya niya kong magpakasal. Kahit pa malayo yun sa pinapangarap ko na proposal basta siya ang mag-aaya go ako kaagad."

"Okay lang yun noh! Kasi kumbaga nung panahon na nakaratay si Elmo sa ospital eh pangalawang buhay na niya yun at ang bungad pa sa pangalawang buhay niya eh yung ikasal ulit siya sa taong mahal niya at ikaw yun. Ibig sabihin binibigay na talaga niya ang buhay niya sayo, Julie."

Napangiti ako sa sinabi ni Maqui.

"Siya din ang buhay ko, Maq."

"Oo na. Teka, pupunta muna kami ni Rodjun sa shop natin darating kasi yung mga pinadeliver kong flowers galing sa ibang bansa."

Tumango naman ako. Niyakap ko si Maqui.

"Maq, thank you sa pag-aasikaso ah? Wag ka mag-alala babawi ako."

"Sus. Oo na. Mahal kita kaya go lang."

"Thank you!"

Tinawag na ni Maqui si Rodjun at umalis na sila. Umakyat ako sa taas at nakita ko si Elmo na nakatingin sa labas ng bintana. Lumapit ako sakanya at niyakap siya patalikod. Okay naman na ang katawan niya unti unti na itong bumabalik kasi kahit papaano nag e-exercise siya para gumanda ulit ang pangangatawan niya.

"Ang lalim naman ng iniisip mo?"

"Ikaw lang naman ang iniisip ko."

Napakagat labi ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay kapag bigla bigla nalang siyang babanat ng ganyan.

"Pakitaan mo naman ako ng driving skills mo."

Humarap siya sakin.

"Ha? Bakit saan tayo pupunta?"

Ngumiti siya.

"Basta."

"Pero kaya mo ba? Wala ka na bang.."

Hinalikan niya ko sa labi.

"Okay lang ako."

Hay. Napapayag niya ko at umalis nga kami. Tinuro niya sakin ang daan hanggang sa makarating kami sa sementeryo. Bumili din kami ng bulaklak.

Margarita H. Arroyo

Joaquin T. Arroyo

Cecile A. Magalona

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon