5

880 39 1
                                    


5

Maaga akong nagising para malutuan si Elmo ng pagkain. Tinali ko ang buhok ko sabay takbo sa baba. Napatigil naman ako ng makita ko si Elmo na nagbabasa ng newspaper. Base sa suot niya na pambahay mukhang hindi siya aalis.

"Elmo? Hindi ka ba papasok? Malalate ka."

"Hindi ako papasok."

"Hala? Pwede ba yun? Diba madami kayong hinahabol na trabaho?"

Binaba niya ang newspaper at nakita ko nanaman ang gwapo niyang mukha. Hay. Ang gwapo talaga ng asawa ko.

"May nakakalimutan ka ba ngayon?"

"Nakalimutan?"

Iniisip ko kung anong nakalimutan ko. Birthday ba ni Elmo? Anniversary ba namin? Meron bang may birthday? National holiday ba ngayon? Biglang hinawakan ni Elmo ang kamay ko. Hinalikan niya yun kaya nanghina ang tuhod ko. Bakit niya ginawa yun? Hala.

"Happy Birthday Julie."

Nanlaki ang mata ko. Hala hala!! Birthday ko ngayon? Bakit nakalimutan ko? At alam ni Elmo ang araw ng birthday ko? Ehhh! Nakita ko na medyo napapangiti siya. Nanlambot naman ang puso ko dahil bihira nga lang siya ngumiti tapos heto ngumiti siya sa araw ng birthday ko.

"Nakalimutan mo? Ibang klase. Mag ayos ka na aalis tayo."

Tumalikod na siya sakin.

"H..Ha? Saan tayo pupunta?"

"Idadate ko ang asawa ko."

Sobrang gusto ko na magtatalon ngayon kaya dali dali akong umakyat sa kwarto ko at nag ayos. Nagpaganda talaga ako ng sobra! Birthday ko at makakasama ko si Elmo! Yes! Ay oo nga pala, naturuan na niya ko magmaneho. Hindi pala salita si Elmo habang tinuturuan niya ko. Ang sabi lang niya sakin manuod ako. Hindi siya katulad ni Rodjun na kung ano ano pang sinabi. Si Elmo? Smooth lang siya magturo at nakuha ko naman kaagad yun. Matapos ko mag ayos lumabas na ko. Pinuntahan ko na si Elmo sa labas at nakita ko siya na nakatayo doon.

"Elmo."

Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya sakin.

"Tara na."

Sumakay na kami sa sasakyan. Wala talaga kong alam kung saan niya ko dadalhin. Saan nga ba? Nasagot ang tanong ko ng makita ko ang ocean park. Napatingin ako kay Elmo.

"Alam ko na nabitin ka sa company outing kaya dinala kita dito."

"Wow! Hahaha! Thank you Elmo!"

"Moe."

"Ha?"

"Yan ang tawag sakin ng grandparents ko. Sobrang mahal na mahal ko sila at sila lang ang pwedeng tumawag sakin niyan."

Tumingin siya sakin.

"At isa ka sa pwedeng tumawag sakin niyan."

Tumango tango ako at ngumiti sakanya.

"Moe."

Bumaba na kami at nagpunta sa mga isda. Ang ganda ganda ng mga isda dito pero hindi katulad doon sa palawan. Bigla kong nakita si Nemo.

"Moe! Si Nemo!"

Kumunot ang noo niya.

"Tss. Wag mo ngang bigyan ng pangalan ang isda."

Nagtaka naman ako. Hindi ba niya kilala si Nemo?

"May movie siya, Moe! Di mo napanuod?"

"Walang movie ang mga isda."

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon