Three
Matapos ang dinner sa bahay ni Julie kinausap ko si Jonathan. Sinabi ko sakanya na kailangan ipaalam namin sa mga anak namin ang nangyari noon. Ayoko na magulat sila o maapektuhan ang relasyon ng dalawang bata. Sana nga talaga hindi sila maapektuhan tutal matagal naman na iyon.
Sinabi ko sakanila na magkita nalang kami sa isang private resto. Nakita ko na nandun na sila. Papasok na sana ako ng may humawak sa kamay ko.
"Edward?"
Huminga siya ng malalim.
"Please pag-isipan mo yung tungkol satin."
"Sige. Hayaan mo muna ko kausapin ang mga bata. Ayoko na maging problema ang nakaraan natin."
"Gusto mo ba na tulungan kita?"
Umiling ako.
"Kaya ko na. Nandyan naman si Jonathan eh tska diba may meeting ka pa kasama ang mag aasikaso ng kasal ng anak natin? Sige na."
Tumango siya. Hinalikan niya ang noo ko.
"Mahal pa din kita, Marivic."
Ngumiti nalang ako. Umalis na siya kaya pumasok na ko. Tumayo si Elmo at sinalubong ako. Magkatabi si Julie at Jonathan. Nagbeso naman sakin si Julie pero parang naiilang siya. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Wag naman sana.
"Order na muna tayo?"
"Uhm, pwede po bang sabihin niyo nalang po samin ni Elmo kung ano pong meron sainyo?"
Napatingin kaming lahat kay Julie. Nakayuko siya ngayon.
"Julie anak."
"Princess?"
"Please po?"
Sabay tingin sakin.
"Your Dad and I...may past kami."
"Ano po Mom?"
"Ex boyfriend ko ang Papa ni Julie, Son."
Kita ko ang gulat sa mukha ng dalawang bata. Si Elmo napainom ng tubig.
"Magkakabarkada kami ni Edward at Marivic nung high school. Bestfriend ko si Edward at si Marivic naman ay crush ko. Dumaan ang mga araw at mas lumalim ang pagtingin ko kay Marivic. Niligawan ko siya hanggang sa sinagot niya ko. Pero tulad ng sa pilikula, dahil sa simple lang ang buhay na meron kami habang si Marivic ay mayaman, hindi ako nagustuhan ng magulang niya para sakanya."
Tumingin sakin si Jonathan.
"At dahil magkaibigan ang Grandma mo at ang Grandma mo kay Daddy mo, pinagkasundo niya kaming dalawa. Kami ang ikinasal at nagkahiwalay kami ni Jonathan."
Tumingin samin si Julie na umiiyak na. Para bang may gusto pa siyang malaman.
"Sige, iha. May gusto ka pa bang itanong?"
"Pa.."
"Anak?"
"Minahal niyo po ba talaga si Mama?"
Nagkatinginan kami ulit ni Jonathan. Oo nga pala, nakalimutan namin si Lilian.
"Oo naman anak. Mahal ko ang Mama mo."
Tumayo si Julie.
"Pero hindi yun ang nabasa ko! Ang sabi ni Mama, mahal na mahal ka niya kahit pa ang mahal mo si Tita Marivic!"
"Julie.."
Umiling iling ito.
"Hindi mo minahal si Mama. Hindi mo siya minahal."

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanficWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.