2

805 41 1
                                    


2

"Hoy Julie!"

"Kabayo!"

Padabog na nilapag ni Maqui ang starbucks coffee na bili niya sa mesa namin.

"Bakit ka ba tulala nanaman dyan?"

Napabuntong hininga ako.

"Wala."

Nakaramdam ako ng pagbatok sa ulo ko. Napahawak naman ako at hinimas himas yun. Ang brutal talaga ni Maqui.

"Bakit ka ba nambabatok?"

"Nagbuntong hininga ka tapos sasabihin mo sakin wala kang problema?"

Inirapan niya ko. Hay. Oo na may problema nga talaga ako. Ilang weeks na din ang nakakaraan simula nung binilhan ako ni Elmo ng sasakyan at hanggang ngayon hindi pa din ako marunong. Nahihiya naman ako magpaturo sakanya kasi napaka busy din niya. Minsan nga hindi na kami nag aabot eh. Mag asawa pa ba kami eh kahit sa pagkain nga hindi kami nagkakasabay pati na din sa paggising dahil hindi ko na siya naabutan.

"Sige tumulala ka lang dyan para hindi tayo makakuha ng customer."

Narinig kong sabi ni Maqui.

"Sorry Maq. Iniisip ko kasi kung paano ako matututo mag drive."

Nanlaki naman ang mata ni Maqui.

"Yun lang?! Yun lang ang problema mo? Jusme naman Julie Anne! Edi pumunta ka sa driving school!"

"Ehhhh. Ayoko gusto ko kusa akong matuto o kaya naman may magtuturo sakin."

"Ang sabihin mo gusto mo na turuan ka ni Elmo. Bakit hindi mo sabihin sakanya na turuan ka?"

"Hindi ganun kadali yun Maqui. Busy si Elmo kasi ang daming kaso ang inaatupag niya."

Napasabunot si Maqui sa buhok niya at tska may tinawagan. Ilang sandali pa bumukas ang pinto ng flower shop namin. Nakita ko kung sino ang papalapit. Boyfriend ni Maqui, si Rodjun.

"Rodjun!"

"Uii! Akala ko ba nasa earth ako eh bakit parang nasa heaven ata ako ng makakita ako ng anghel?"

Napatawa naman ako.

"Wala ka talagang pinagbago Rodjun! Ang gwapo mo pa din ah?"

Nag apir kaming dalawa.

"Sige! Magsinungaling pa kayo sa isa't isa. Go lang!"

"Oh? Bakit nagtataray nanaman ang babe ko? Meron ka ba?"

Nakatanggap siya ng hampas kay Maqui. Hindi ko napigilan mapatawa sa kanila. Ang cute lang nila tingnan.

"So bakit mo nga ba ko pinapunta?"

"Turuan mo nga yan mag drive!"

Sabay turo sakin. Tiningnan naman ako ni Rodjun na parang nagtataka.

"Si Julie? Tuturuan ko si Julie mag drive? Teka, bakit biglaan?"

"Wag ka ng maraming tanong at turuan mo na yan. Isara muna natin itong shop. Haynaku Julie! Dapat matuto ka ng mabilis para hindi ka lutang at hindi nadadamay ang shop natin sa kabaliwan mo!"

Napakamot naman ako sa ulo ko. Gusto ko lang talaga magpa impress kay Elmo na kapag nakita niya na marunong na ko mag drive edi matutuwa siya. Nakarating kami sa bahay namin ni Elmo. Malaki ang espasyo doon kaya pwede ka mag drive ng mag drive kung gusto mo.

"Wow. Latest model ng kotse ito? Ang yaman naman talaga ng asawa mo Julie!"

Ngumiti ako.

"Gagalingan ko para sakanya!"

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon