4
Lalabas sana ako para kumuha ng gatas ng matapilok ako. Napatingin ako kung anong dahilan kung bakit ako natapilok at napanganga ako ng makita si Elmo na nakahiga sa labas ng pinto ko. Lumapit ako sakanya at niyugyog siya.
"Hoy! Hoy!"
Sasampalin ko na sana siya para magising siya pero ng dumampi ang palad ko sa pisngi niya, doon ako kinabahan.
"E..Elmo?"
Sinalat ko siya. Sobrang init niya! Ang payat ko at napakalaking tao naman nitong si Elmo. Paano ko naman siya bubuhatin? Kinuha ko ang buong lakas ko para alalayan siya papunta sa kama ko. Lalayo pa ba ko eh nasa tapat na siya ng kwarto ko. Hiniga ko siya at nagmadaling pumunta sa medicine cabinet.
"Teka? Hindi pa siya kumakain. Shit talaga!"
Hindi ako marunong magluto. Aaminin ko naman yun kasi sanay ako na may katulong sa bahay at sila ang nagluluto. Pati si Mommy madalas na siya ang nagluluto. Pati itong ex bestfriend ko siya din ang nagluluto para sakin.
"Paano ba? Naku naman! Pahamak ka talaga Elmo! Mahahasa ata ang cooking skills ko dito!"
Nag isip ako ng madalas niluluto ni Mommy sakin. Naalala ko na may maasim siyang pinakain sakin. Ano ba ang maasim? Diba suka? Baka pwede naman yun tapos ilalagay sa tubig. Naglagay lagay ako doon baka yun ang ginagawa ni Mommy. After nun pumunta na ko sa kwarto ko. Tulog pa din siya.
"Ang taas pa din ng lagnat mo! Kasalanan mo kasi ito eh!"
Hay. Kasalanan ko din kung hindi ako nag inarte kahapon edi sana nag share tayo sa payong at hindi ka tuluyan na nabasa. Naghanap ako ng gamot para ipainom sakanya. Kung ano anong nga sinabi ko hanggang sa magising siya. Inasar pa nga ako at ang sunod na ginawa niya? Nakayakap na kami sa isa't isa.
Tug tug tug tug.
Bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko? Hindi ko pa naman nararamdaman ito dati kapag niyayakap ako ni Elmo. Ano ito?
"B..Bitaw."
Bulong ko sakanya. Bumitaw naman siya.
"Sorry."
Tumayo ako at lumabas na. Hinawakan ko ang dibdib ko ganun pa din ang estado ng puso ko. Mabilis pa din ang tibok. Mawawala din yan, Julie. Mawawala din yan. Nanuod nalang muna ko ng TV at nakatulog din ako. Paggising ko nagulat ako na nasa kwarto na ko. Tumayo ako at tiningnan kung nasaan siya.
Okay na ba siya? Ano bang pakialam ko? Hay.
"H..Hoy! Okay ka na ba?"
Katok ko sa kwarto niya. Bumukas naman ang pinto at nakita ko siya na nakakatayo na ng maayos at mukhang okay naman na siya.
"Oo. Salamat sayo."
"Okay."
Tatalikod na sana ako pero tumunog ang tyan ko. Humarap ulit ako sakanya.
"Kung akala mo tulong yun well hindi! May bayad yun."
"Anong bayad naman?"
Tumalikod ako at hinawakan ang tyan ko. Nagugutom na ko.
"Magluto ka gutom na ko."
Tumakbo ako kaagad sa kwarto ko. Shit! Sana hindi niya narinig. Baka isipin pa nun weird ako. Ilang minuto din ang lumipas at kumatok na siya. Binuksan ko ang pinto at nakita ko siya na nakatayo.
"Kakain na."
Ngumiti siya sakin.
"Wag ka ngang ngumiti."

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanfictionWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.