1
I love my husband's eyes. I really love those pair of eyes. But it looked so empty and I don't even know why.
"Hindi ka ba sasagot?"
I was back on my senses when I heard Elmo's voice.
"Huh?"
Para siyang naiirita.
"Tss. Sumagot ka na nga."
Tumingin ako sa pari na nasa gilid namin. Nakangiti siya sakin.
"Uulitin ko Ms. San Jose, Do you accept Elmo Moses Magalona to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, to love and to cherish?"
"I do."
I heard Elmo breathed. Akala ba niya hindi ko siya papakasalan? No way! I've waited for this very moment makasal lang sakanya.
"You may now kiss the bride."
Sabi ni Father. Isa rin ito sa pinakahihintay ko. Hindi ako nag boyfriend kasi ang gusto ko si Elmo lang ang una at huling lalaking mamahalin ko. Sinave ko din ang first kiss ko para sakanya. Sakanya lang talaga pero bakit ganun? Masyado akong busy sa pag-iisip ko ng dampian niya kaagad ang labi ko. Parang wala pa ngang two second ang halik niya sakin.
"Congratulations Mr. and Mrs. Magalona."
Ano ba yan! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na yun na mahalikan ako ni Elmo tapos ganun nalang yun? Hindi ko man lang na feel? Hay. Teka, honeymoon naman mamaya so lagot ka talaga sakin.
Akin ka talaga mamaya Elmo Moses Magalona!
"Magpahinga ka na at matulog ng maaga. Yung kwarto na nasa kanan sayo yun at yung akin naman nasa kaliwa."
Nandito na kami sa bahay at ganito agad ang bungad sakin. Base sa sinasabi niya hindi kami magsasama sa isang kwarto? Diba magkasama naman ang mag asawa sa iisang kwarto?
"Tss. Nakikinig ka ba?"
"H..Ha?"
"Absolutely not."
Pumunta na siya sa may pintuan.
"Aalis ka? Saan ka ulit pupunta?"
"Marami akong gagawin sa office. Matulog ka na, Julie."
At tska na siya naglaho sa paningin ko. Napabuntong hininga ako. Sa pagkakaalam ko may honeymoon kami sa Maldives pero heto at nasa bagong biling bahay ako ni Elmo. Buti sana kung kasama ko siya kaso ayun nandun siya sa office niya. Pero di bale! Hindi ako susuko may bukas pa naman.
Dumating nga ang umaga at mabilis ako na bumangon para makita kung umuwi nga ba si Elmo kagabi. Tinali ko ang buhok ko tska bumaba sa kusina. Ang tahimik. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext ako sakanya. Hindi naman siya nagreply. Teka, ano bang pwede kong gawin para sa asawa ko? Hmm. Baka alam ni Master Maqui.
(Oh Julie Anne? Musta honeymoon? Ginawa mo ba yung sinabi ko sayo?)
"Haynaku. Nagpunta siya kagabi sa office niya marami pa daw siyang gagawin kaya hindi na muna tinuloy yung sa Maldives."
(Ang hina naman ni Elmo! Baka hindi ka nagpasexy para sakanya? Baka naman tumaba ka di kaya?)
"Maqui, kulang nalang na damo ang kainin ko sa kakadiet para pagdating ng kasal ko hindi madisappoint si Elmo. Anyway, ano bang gagawin ko? Para kasing ilang si Elmo sakin."
(Wag kang nega! Ganito, puntahan mo siya sa office niya. Alam mo naman kung saan yun diba?)
Napaisip ako.

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanfictionWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.