Epilogue

1K 48 3
                                    


Epilogue

Magkahawak kamay kami ni Elmo habang nakasakay sa Bridal Car. Kakatapos lang ng kasal naming dalawa. Hindi na kami sumama pa sa reception kasi gusto namin umuwi na sa Batangas dahil sa susunod na araw lilipad kami papuntang Australia para mag honeymoon doon. Hindi ko maiwasan mapasulyap sa asawa ko.

Bakit ang tanga ko at hindi ko napansin na mahal niya ko? Bakit hindi ko pinansin na may nararamdaman na ko sakanya? Tama kayo sa nabasa niyo may nararamdaman nga ako kay Elmo. Nagsimula yun nung niyakap niya ko nung panahon na may sakit siya. Or maybe hindi ko talaga alam kung kelan nagsimula. Bulag pa kasi ako noon sa pagmamahal ko kay Kevin baka yun din ang dahilan kung bakit nabalewala ko si Elmo.

Nang gabing tumalikod si Elmo at umalis sa bahay namin, doon ko narealize na ang tanga ko sa mga nasabi ko sakanya. Umiiyak lang ako ng umiyak nun hanggang sa hindi ko na alam kung may luha pa ba kong iluluha. Dumating ang umaga at isang envelope din ang nakita ko.

Annulment paper. Sobrang sakit na makita kong may pirma nga si Elmo doon. Balak na niya kong pakawalan. Nagkausap na din kami ni Kevin. Sinabi na niya ang totoo kahit matagal ko ng alam yun. Umiiyak siya at hindi ko nakaya at

nasampal ko siya. Paalis na sana ako ng sabihin niya na si Elmo ang tumulong para mahanap siyang muli. Sinabi pa nito na kapag pinili ko pa din si Kevin wag na wag akong sasaktan nito dahil mapapatay siya ni Elmo.

Doon ako natauhan. Doon ko din nakumpirma na hindi na masyadong masakit ang ginawa ni Kevin sakin dahil niligtas ako ni Dad at Elmo. Niligtas nila ako lalo na si Elmo na hindi umalis sa tabi ko kahit pa pinagtatabuyan ko na siya. Napaisip ako, ako naman ang magliligtas sakanya. Ako naman ngayon ang magliligtas sakanya sa sakit na ako mismo ang gumawa.

"Julie? Julie?"

Napabalik ako sa sarili ko ng marinig ko ang boses niya.

"Hm?"

"Nandito na tayo sa batangas."

Ngumiti ako sakanya. Lumabas kami at binuhat naman niya ko papasok sa loob ng bahay. Natawa nga ako.

"Hindi ka ba nagugutom? Gusto mo ipagluto kita?"

Tumango ako.

"Sige luto ka na. Ano bang lulutuin mo?"

"Spaghetti nalang tska fried chicken."

Natawa ako.

"Sige."

Umakyat na muna ko para makapag ayos. Tinulungan din ako ni Elmo kasi napakahaba ng gown ko. Bumaba na din siya para makaluto na. Nang nasa loob na ko at mabuksan ko ang ilaw, nakita ko ang malaking painting namin ni Elmo. Nakapasan ako sakanya dito. Napangiti ako at nahawakan ko pa ang painting na yun. Sobrang saya ko na palagi ko siyang kasama. Sana matagal na kong natauhan. Tinanggal ko na ang gown ko at nagpalit pambahay.

Bababa na sana ako ng makarinig ako ng tawag.

"Maq?"

(Hulyeta! Haha! Congrats!)

"Thank you Maqui."

(Saan ang asawa mo?)

"Ah, nasa ibaba nagluluto."

(Eh ikaw? Nakapag prepare ka na ba? Mukhang kakailanganin mo ng lakas.)

"Anong prepare? Pag seset up ba ng kakainan? Paano ko gagawin yun eh tumawag ka. Haha! At anong lakas ang sinasabi mo?"

(Naku naman Julie! Kasal ka na tapos ganyan ka pa din? Pakainosente! Hoy babae! May asawa ka na. Kakatapos lang din ng kasal niyo. Alangan naman magtitigan lang kayo dyan!)

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon