Last Chapter
"Nahanginan ka ba?"
"H..Ha?"
Napailing si Maqui habang nagbabasa ng mga papeles.
"Para kang nahanginan dyan eh. Ano bang nginingiti mo? Ahh...alam ko na!"
Ngumisi siya sakin.
"Inaalala mo yung bawat ng detalye ng chuchu niyo noh! Grabe ka talaga Julie! Bastos ka na ngayon? Pervert!"
"Grabe ka naman Maqui! Maka pervert ka naman." Nag pout ako.
"Tss. Wag mo kong daanan si pag pout mo."
"Eh hind-"
Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko naman agad ito.
"Hello?"
(Julie! Si Lala ito. May problema kasi. Malaking problema.)
"Ha? Anong problema?"
(Wala si Boss! I mean, nawawala si Boss!)
Napakunot noo ako. Anong ibig sabihin na nawawala si Moe?
"Anong ibig sabihin mo Lala? Anong nangyari?"
(Sabi nung guard papasok na daw si Boss dito ng may humarang sakanya na mga armadong lalaki. Nag uusap lang daw ito at mukhang kalmado si Boss pero nung nagtagal ang pag uusap bigla nalang sumama si Boss sa mga armadong lalaki na yun tapos hindi pa bumabalik hanggang ngayon. Tinatawagan ko kasi may meeting siya kaso naka off ang cellphone niya!)
Napatulala ako sa sinabi ni Lala.
"Julie? Anong nangyayari sayo at naging istatwa ka dyan?"
Rinig kong sinabi ni Maqui.
(And Julie...may dalang mga baril yung mga armadong lalaki..)
Hindi ko na namalayan na nalaglag ang cellphone ko. Nilapitan ako ni Maqui at niyugyog kung anong nangyayari sakin. Nawawala si Elmo. Nawawala ang mahal ko. Agad kong kinuha at inayos ang nga gamit ko.
"Teka teka! Julie, saan ka pupunta?"
"Kailangan ko hanapin si Elmo. Kailangan ko siyang iligtas doon sa mga armadong lalaki."
Aalis na sana ako ng hinawakan ni Maqui ang kamay ko.
"Maqui!"
"No Julie! Hindi ko alam kung anong nangyayari pero base sa sinabi mo nasa kapahamakan ang asawa mo at hindi ko hahayaan na pumunta ka doon. Wag kang magpadalos dalos."
Umiling ako at umiiyak na.
"No! Maqui please? Kailangan ako ni Elmo."
Inupo niya ko at pinunasan ang luha ko.
"Alam ko yun pero anong magagawa natin hindi natin alam kung nasaan siya. Maghintay nalang muna tayo malay mo may tumawag. Maki update ka sa Dad ni Elmo baka may alam siya. Tatawagan ko si Rodjun."
Ginawa ko ang sinabi ni Maqui. Naghintay kami at dumating ang mga magulang namin. Oo, tinawagan ko ang magulang namin ni Elmo. Mag gagabi na pero wala pa ding progress. Sobrang nag aalala na talaga ako. Si Rodjun tinatawagan ang mga kaibigan niya na pulis. Yung magulang ko kausap ang Dad ni Elmo na mukhang nag-aalala na din. Si Maqui may alam sa pag track ng phone baka sakaling matagpuan niya si Elmo. Ako? Nakaupo lang dito dahil baka daw himatayin ako sa kaba.
"Julie.."
Lumapit sakin ang Dad ni Elmo.
"D..Dad.."

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
أدب الهواةWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.