Last Part
I tried to make Julie fall for me pero iba talaga ang nakikita ng mata niya pero sabi nga nila at least nag try ka. Inaasahan ko ng mangyayari yun nung gabing yun. Inaasahan ko na magkakaalaman na. Siguro ang hindi ko lang inaasahan eh yung mga salita na lumabas sa bibig ni Julie. Napaisip tuloy ako.
Ganun ba ko kahirap mahalin?
Wala naman akong ibang hinangad kundi ang mapansin niya. Kahit nga na alam kong hanggang asa nalang ako eh ginawa ko pa din. Kumapit ako sa pinanghahawakan ko na balang araw makikita din ni Julie ang Elmo na nagmamahal sakanya at hindi ang Elmo na hanggang best friend lang. Marunong naman ako magmahal. Siguro mali lang ako ng minahal dahil hindi naman ako mamahalin ng mahal ko.
Daddy Ninong Calling..
"Daddy Ninong?"
(Kamusta ka na anak? Maganda ba yung pinagawa mong bahay sa batangas? Pupunta ako dyan para icheck kung okay ka lang at para naman makapag relax ako.)
Napangiti ako.
"Maganda po Daddy Ninong. Ang linaw ng dagat at malamig ang simoy ng hangin. Hindi din masyadong masakit sa balat ang araw."
(Mabuti yan.)
"Daddy Ninong kamusta na po kayo ni Mommy Ninang?"
(Nakinig na siya sa mga explanation ko at naging okay naman. Bati na kami.)
"Mabuti po kung ganun."
(Anak, pasensya ka na kung nahihirapan ka ngayon dahil sa anak ko.)
"Daddy Ninong, okay lang po ako. Ginawa ko naman po ang lahat para kay Julie."
(Osya, magkita nalang tayo mamaya.)
"Sige po."
One month na ang nakakalipas at wala na kong naging balita pa kay Julie. Ang huling bagay na ginawa ko sakanya ay ang hanapin si Kevin at pinakausap sakanya. Hindi na ko nagpakita pa sakanya matapos nilang mag usap. Kung ano man ang gawin nila at desisyon nila, wala na ko dun. Nakakausap ko na din ang magulang ko at naging okay na kami. Pinamana na ni Dad sakin ang company. Yung mga kapatid ko nag around the world tour. Isang buwan palang pero madami dami na ang nangyari.
"Young Master! Dumating na po yung hinihintay niyo!"
Pumunta ako sa loob at nakita ko ang matagal ko ng hinihintay. Tinanggal ko yun sa pagkakabalot at napangiti ako. Ito ang huling magandang memorya ko kasama ang bestfriend ko. Ang babaeng mahal ko. Painting ito ni Julie at ako na nakapasan siya sakin.
"Kahit na hindi ako ang nakatuluyan mo nagpapasalamat ako dahil kahit isang beses lang naging asawa kita. Hindi ko pinagsisisihan ang pagiging substitute groom mo."
Pinalagay ko yun sa bedroom ko. Nakatulog ako ng bandang hapon at nagising din ng mga ala sais ng gabi. Ayoko pa sana bumangon pero naririnig ko na ang tawag ng kasambahay ko dito. Bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Bakit Inday?"
"Young Master, pinapatawag po kayo ni Sir Jon sa ibaba."
"Ah. Anong oras dumating si Daddy Ninong?"
"Kanina pa pong alas tres."
"Ah okay sige bababa na ko."
Isasara ko na sana ang pinto ng may pinakita si Inday sakin.
"Ano yan?"
"Regalo niya daw po. Suotin niyo daw po."
"Ah okay."

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanfictionWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.