3

872 42 1
                                    

3

Napahinto ako sa pagkatok sa kwarto niya ng marinig ko ang usapan nila. Alam ko na nandito si Maqui dahil sa bunganga palang niya para na yung wangwang. Kakatok sana ako para yayain sana sila ng marinig ko ang sinabi ni Julie. Galit na galit talaga siya sakin. Bumalik ako sa kwarto ko at umupo doon.

"I'm sorry Julie kung mahal kita."

Yes, I love my bestfriend. Julie Anne San Jose is my best friend since birth. Matagal na kaming magkakilala dahil sa mga magulang namin. Minsan na din kami tumira sa iisang bahay dahil nung nasa states kami magkakasama kaming lahat sa iisang bahay. Palagi kaming naiiwan ni Julie dahil nasa business trip ang mga Daddy namin at ang mga Mommy naman namin busy sa mga restaurants nila. Crush ko si Julie kasi napaka inosente niya. Masaya na siya sa simpleng bagay lang. Yung tipong bigyan mo lang siya ng candy masaya na siya at papasalamatan ka ng sobra.

Nung high school kami naging crush ng kalalakihan si Julie at kabilang na ko dun. Parating sinasabi sakin ni Daddy Ninong na wag na wag kong iiwan si Julie at palagi ko itong protektahan. Wala kasi siyang anak na lalaki kaya tinuring na niya kong anak niya. Naging apple of my eye ko si Julie. Maraming nanligaw sakanya pero wala siyang nakilala doon dahil lalapitan palang nila si Julie eh nilalayo ko na siya. Pinaka masayang araw ko yung naging date ko siya nung prom namin. Ako ang pinaka masaya pero napansin ko noon na parang hindi naman siya masaya at pinagbigyan lang ang hiling ng Daddy niya na ako ang makasama niya.

Alam ko naman kasi talaga ang dahilan. Nagkaroon siya ng crush, si Slater. Masaya ako ng araw na yun dahil nakasama ko siya at pumayag siya na ako ang maging prom date niya pero dahil mahal ko ang best friend ko at gusto ko lang na maging masaya siya may ginawa akong bagay na alam kong pagsisisihan ko. Pangarap ng lahat na makasayaw si Julie at dahil na saakin ang chance nakawala pa sakin. Sinabi kasi sakin na ako at si Julie ang prom king and queen ng gabing yun pero imbis na ako sinabi ko nalang na si Slater ang gawin nilang prom king para makasayaw niya si Julie. Hindi ko nasayaw si Julie ng gabing yun. Siguro sapat na sakin at masaya na ko na kahit papaano ako ang sumundo sakanya. Ako na din naman ang naghatid kaya masaya na ko.

"Sa papel, Maqui. Sa papel."

Bigla kong naalala yung sinabi ni Julie kanina kay Maqui. Siguro nga para sakanya nakakasuklam na maging asawa niya ko pero para sakin? Kahit alam ko na nakiusap lang sakin ang Daddy niya, gusto ko ito. Itong pakiramdam na asawa ako ng taong matagal ko ng minamahal. Tumayo ako at lumabas. Sakto naman na nagpapaalam si Julie at Maqui sa isa't isa.

"Hi Emong!"

Ngumiti ako kay Maqui.

"Hi Maq."

"Gusto ko pa sana mag stay kaso kailangan ako ni Mommy. Sa susunod nalang! Anyway, congrats sainyo ni Julie."

"MAQUI!"

Nag peace sign si Maqui at tska umalis. Nang maisara ni Julie ang pinto nagkatinginan kami. Lumakad siya at papasok na sana sa kwarto niya ng magsalita ako.

"Julie, sana mapatawad mo ko. Kami ni Daddy Ninong."

"Wag ka ng umasa. Sinasabi ko sayo Elmo, i'm done being your best friend. At kahit ano pa man ang rason mo? Hindi ko na matatanggap yan."

Pumasok na siya sa loob ng kwarto niya. Ibang ibang Julie Anne ang nakita ko. Napupuno siya ng galit. Malamang, sino ba naman ang hindi magagalit na hindi ang taong mahal niya ang papakasalan niya. Pumasok ako sa kwarto ko at tinawagan si Daddy Ninong.

"Daddy Ninong?"

(Bakit Elmo? May problema nanaman ba kay Julie?)

"Daddy Ninong, hindi po ba pwede na sabihin na po natin kay Julie ang totoo? Ayoko po na magalit sakin ng tuluyan ang best friend ko. Kahit pa po na mahal ko siya mas gugustuhin ko po na sumaya siya."

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon