1
"Best friend!!!"
Nagulat ako ng may pumasan sa likod ko. Nagulat lang ako sa pagpasan niya sa likod ko pero hindi na bago sakin ang pasanin siya palagi dahil siya lang naman ang nag iisang makulit kong best friend.
"Sigaw ka ng sigaw."
Mas kumapit pa siya sakin.
"Best friend? Alam ko na hindi ka babae pero pwede bang sa bridal shower ko eh nandun ka?"
Nanlaki naman ang mata ko.
"Ano na naman yan? Ikaw talaga! Kung ano anong pumapasok sa isip mo."
Nagsimula na kong maglakad habang pasan pa din siya.
"Sige na, best friend. Please?"
Bigla ko siyang binaba.
"Aray naman!"
Tiningnan ko siya.
"Ikaw! Ikakasal ka nalang nandadamay ka pa. Lalaki ako tapos papapuntahin mo ko sa bridal shower mo eh puro babae ang nandun. Tska sure ako na hindi lang basta bastang bridal shower ang mangyayari dahil kilala ko ang mga nag organize niyan! Yung mga kapatid natin na nagsanib pwersa. Alam mo naman ang mga utak nila, kakaiba!"
Nag pout naman siya.
"Ito naman! Sige na kasi."
"Bakit mo ba ko gusto sumama dyan?"
"Kasi alam ko na naiilang ka pumunta sa bachelor's party ni Kevin."
Natahimik naman ako sa sinabi. Tama naman kasi yun. Ayoko talaga na pumunta sa bachelor's party ng unggoy na yun dahil hindi naman ako pabor sa pagpapakasal niya sa bestfriend ko pero dahil mahalaga sakin ang bestfriend ko kailangan ko pakisamahan yun.
"Mas magtataka ang Daddy mo kapag hindi ako nakita sa bachelor's party ng groom to be mo."
Lumapit ako sa motor ko na nakapark malapit sa may puno. Narinig ko naman na sumunod siya sakin. Inunahan niya ko at umupo siya sa may motor ko.
"Mosey naman eh. Sige na please? Ako na ang bahala kay Daddy, wag mo na siyang intindihin. Ayoko lang na mailang ka dun."
"Alam mo hindi kita maintindihan. Nung una gusto mo makilala ko ng mabuti yung groom mo tapos ngayon nilalayo mo naman ako sakanya. Ano ba talaga?"
Napabuntong hininga siya.
"Will you be okay? Doon sa party niya? Ayoko lang na habang nagsasaya ako eh ikaw na bestfriend ko hindi nagsasaya doon."
Hindi naman talaga ako masaya.
"Okay lang ako."
Mukhang hindi siya na convince sa sinabi ko.
"Ganito nalang, after party, both parties, susunduin kita."
Lumawak naman ang ngiti niya.
"Talaga bestfriend?"
Tumango ako.
"Mas mabuti na yun kesa magtampo ang Daddy mo at hindi ako nagpunta sa party ng groom mo tska mabuti na yun para naman makita ko kung may kalokohan silang gagawin."
"Tss. Ikaw talaga napaka protective! Daig pa si Daddy!"
"Mahalaga ka sakin kaya dapat walang kokontra sa happiness mo."
Ngumiti siya sakin.
"Yes naman! Ang swerte ko talaga sayo, Mosey."
Niyakap niya ko ng mahigpit. Niyakap ko na din siya kasi wala naman akong magagawa pa kapag ang bestfriend ko na ang humiling sakin.
BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanfictionWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.