One

977 48 1
                                    


One

Nakita ko siya na palabas na ng bahay nila kaya lumabas na ko sa kotse ko. Napangiti ako ng makita siya. Ang ganda talaga niya. Lumapit ako kaagad sakanya at hinalikan ang kamay niya.

"Hindi ka prepared noh?"

Nahampas ako sa braso ko kaya napatawa ako.

"Baliw ka. Kita mong ang hirap hirap maghanap ng dress na pwede kong isuot eh."

"Kahit ano naman ang isuot mo maganda ka. Kahit nga wala kang suot eh.."

Kinurot naman niya ko sa pisngi ko kaya mas natawa ako. Kitang kita ko kasi ang mapupula niya.

"Joke lang. So ano? Ready ka na makilala si Mommy?"

Bigla siyang namutla.

"Kinakabahan ako."

"Ano ka ba, hindi nangangain si Mommy."

"Eh kasi naman ngayon palang kaming magkakakilala tapos.."

Hindi ko na siya pinatapos at hinalikan na siya kaagad. Napatigil siya.

"Trust me, Okay?"

Tumango siya. Pinagbuksan na niya ng pinto ng kotse ang prinsesa niya at umalis na.

"Wala ba talaga tayong dadalhin para sa Mommy mo?"

"Wala. Ang dami ng foods na pinaluto si Mommy kahit desserts. Relax ka lang kasi my princess."

"Baka kasi sabihin niya wala man lang akong dala para sakanya."

Ngumiti ako.

"Meron ka kayang dala.."

Napabuntong hininga siya. Ramdam ko na sobra pa din siyang kinakabahan. Ilang sandali pa nakarating na kami sa bahay.

"My princess, relax."

"Pero.."

May kinuha ako sa backseat at inabot sakanya. Tumingin naman siya sakin.

"Mahilig si Mommy sa flowers."

Biglang nagliwanag ang mukha niya at niyakap ako.

"Thank you."

"Ikaw talaga. So pasok na tayo? Wala ng atrasan ito."

"Yes, my prince."

Maglalakad palang kami ng may maalala ako.

"Oo nga pala."

"Ano yun?"

Kinuha ko ang isang rose stem sa likod ko at binigay sakanya.

"Hindi pwedeng si Mommy lang ang may bulaklak."

Napangiti siya sa ginawa ko.

"Thank you."

"Tara na excited na ko ipakilala ka kay Mommy."

Pumasok na kami. Sinalubong kami ng mga katulong namin. Pinakilala ko sakanila si Julie. Iniwan ko muna siya sa may sala at pinuntahan si Mommy sa kusina.

"Mom! Mom!"

Nang makita ko siya hinalikan ko kaagad siya sa pisngi at isinayaw sayaw. Natawa naman siya.

"Ikaw na bata ka! Ang hyper mo."

"Siyempre naman po, Mommy. Anyway, she's here."

Ngumiti si Mommy.

"Kaya naman pala ang hyper. So where is your princess?"

"Nasa sala po."

"Okay. Dalhin mo na siya sa garden doon tayo kakain. Malapit na itong niluluto ko. I hope hindi mo siya pinakain para naman matikman niya ang luto ko."

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon