3
Mabilis ang mga araw at oras lalo na kapag masaya ka. Biruin mo yun tatlong buwan na pala kaming kasal ni Elmo. Ang masasabi ko lang eh naging maganda naman ang pagsasama namin kahit na napaka mysterious talaga niya. Madalas na siyang nagsasalita pero nakasigaw siya sakin. Paano naman hindi kasi talaga ako tumitigil sa kakakulit sakanya. Hindi naman lahat masaya kasi may pagkakataon naman na umiyak na din ako dahil kay Elmo. Minsan kasi nagpunta kami sa isang party. Company party sa pamilya namin.
Nauna siya doon kasi nagpaganda pa talaga ako para sakanya. Nung hinahanap ko naman siya hinarangan ako ng mga anak ng business man na kaibigan ni Papa. Galit na galit talaga si Elmo nun. Sobrang galit na galit siya. Napagbigntangan pa niya ko na ako mismo ang lumalandi sa mga lalaki kaya ayun umiyak ako tapos tumakbo ako kahit pa naka gown ako. Ang sunod na nangyari? Natapilok ako kaya hindi ako makalakad tapos biglang dumating si Elmo. Binuhat niya ko. Kaya imbes na magalit ako sakanya, iba ang nangyari kasi kinilig ako.
At ngayon medyo nakakapag adjust naman na kami ni Elmo. Heto nga at sinama niya ko sa company outing nila pero I doubt na magpapahinga si Elmo dahil puro trabaho lang din naman ang aatupagin niya at yun ang hindi ko hahayaan mangyari. Ang sabi ni Master Maqui kailangan maging perfect ang bakasyon na ito kaya ayun, binilhan ako ni Maqui ng sobrang sexy na bikini. Isuot ko daw.
Tumingin ako sa tabi ko. Hindi ko maiwasan mapangiti ng makita ko ang mahimbing na pagtulog ng asawa ko. What if magnakaw ako sakanya ng isang kiss? Isa lang naman. Nilapit ko ang mukha ko sakanya. Nag pout na din ako.
"Ma'am."
Aray ko po! Mahahalikan ko na naging bato pa. Nakakahiya tuloy baka sabihin niya ang landi ko sa asawa ko.
"Y..Yes?"
"Gusto niyo po ng water or coffee?"
Umiling ako at ngumiti.
"No thanks."
"Okay po Ma'am."
Umalis na yung babae at nakahinga ako ng maluwag. Maya maya pa nagising na si Elmo. Sakto naman na kakarating lang namin sa destinasyon namin. Nandito kami ngayon sa Palawan. Ilang oras din ang land transpo namin hanggang sa nakarating na kami sa hotel namin. Ang sabi ni Lala iisang kwarto lang kami ni Elmo kasi mag asawa naman daw kami. Kinakabahan nga ako kasi first time namin magkakatabi sa iisang kama.
"Julie."
Napatingin ako kay Elmo na nasa likod ko. Ngumiti ako sakanya.
"Yes Elmo?"
"May meeting kami mamaya mga 1pm. Hindi ko alam kung hanggang anong oras aabot yun."
"Akala ko ba outing ito? Excited pa naman ang team mo sa araw na ito tapos magtatrabaho lang kayo? Ikaw hindi ka ba magpapahinga?"
"Ito lang naman ang meeting na magaganap tapos bahala na sila sa gusto nilang mangyari sa buhay nila."
At umalis na si Elmo. Tingnan mo yun nang-iiwan! Baliw talaga. Anyway, kumaway ako kala Lala, Renz, at Paul na kausap ang mga kasama nila. Kumaway din naman sila. Nakita ko din yung iba na excited ng mag swimming. Pinakilala ako ni Lala kanina sa may airport dun sa pamilya ng ibang lawyers sa company ni Elmo. Pumunta na ko sa itaas at pumasok sa kwarto namin ni Elmo.
"Kapagod."
Napahiga ako sa kama. Ano Julie? Hihiga ka nalang dito? Hindi ka man lang ba mag eenjoy? Pero paano ako mag eenjoy kung wala naman si Elmo? Bumangon ako at sumilip sa may bintana. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang sobrang gandang tanawin. Napapunta tuloy ako sa may veranda. Hindi ganun kadami ang tao. Sa bandang dulo may mga bars.

BINABASA MO ANG
JuliElmo Short Stories
FanfictionWriting is not my passion. This is not my first love. A hobby? Nah. It is just something my mind wants me to do. To share what my playful mind looks like. Most especially when it comes to Julie and Elmo. So guys? Welcome to my world.