Two

724 38 0
                                    


Two

Masyadong mabilis ang mga araw at dumating na ang oras para magkaharap ang magulang namin ni Elmo. Magkakaroon ng early dinner dito sa bahay kaya naging busy kanina pang umaga. Ayaw naman akong pagalawin ni Papa kasi ako daw ang bida ngayong araw. Pinuntahan ko si Papa sa kwarto niya at nakita ko siya na inaayos ang necktie niya.

"Pa."

"Oh anak? Bakit hindi ka pa nakabihis?"

Ngumiti ako.

"Masyado pa naman pong maaga, Pa. Bakit nag nenecktie ka pa po? Hindi na kailangan yan, Pa. gwapo ka na oh."

"Nakakahiya kasi sa magulang ni Elmo baka sabihin hindi marunong pumorma ang Papa mo."

Umiling ako.

"Mabait ang Mommy ni Elmo, Pa. Hindi naman po siya mukhang manghuhusga ng tao."

"Mabuti naman kung ganun. Sige, hahanap nalang ako ng ibang damit."

"Pa, sana nandito si Mama noh?"

Tiningnan ako ni Papa. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Anak, kung nasaan man ang Mama mo ngayon? Sigurado ako na masaya siya para sayo lalo na at magkaka apo na siya. Ano nga ulit ang pangalan ng baby niyo? Patatas?"

Natawa naman ako.

"Tawag lang naman po namin sakanya yun, Papa. Hindi naman po yun ang name niya."

"Hahaha! Oh basta walang sisihan kapag yan naging patatas ah?"

Umiling ako.

"Hindi po."

"Okay, sige na pumunta ka na sa kwarto mo at mag-ayos baka mamaya malay mo maaga sila Elmo. Teka, kumpleto ba ang magulang ni Elmo mamaya?"

Tumango ako.

"Opo. Umuwi po kahapon yung Dad ni Elmo."

"Okay sige."

Lumabas na muna ko para magbihis. Nakaligo naman na ko kanina. Konting make up lang naman ang nilagay ko. Ilang minuto pa narinig ko na may nag busina na. Pagtingin ko sa bintana ko nakita ko ang kotse ni Elmo tapos may kasunod ito na isa pang kotse. Ang yaman talaga ng mapapangasawa ko. Mabuti nalang hindi sila matapobre. Simple lang kasi kami hindi naman kasing laki ng bahay ni Elmo ang bahay namin. Tama lang, saktong buhay lang.

"Julie!"

Ang pagtawag na yun ang hudyat na kailangan ko ng bumaba. Huminga ako ng malalim.

"Sana maging okay ang gabing ito para samin ni Elmo."

Bumaba na ko at nakita ko naman na abot hanggang langit ang ngiti ng fiance ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti kasi ang gwapo niya tapos pareho pa kaming naka blue. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan.

"Hi my princess."

"Hi my prince."

Tumingin siya sa tyan ko. Hinawakan niya yun.

"Namiss mo ba si daddy ha, baby patatas?"

"Baliw ka talaga. Tara na."

Tumango siya at nagpunta na kami sa dining. Naabutan namin na seryosong magkakatinginan ang mga magulang namin. Lumapit kami.

"Mom?"

Tumingin si Tita samin. Ang seryoso niyang mukha ay napalitan ng ngiti.

"Hi Julie Anne."

Lumapit ako sakanya at nagbigay galang. Pinakilala din ako ni Elmo sa Dad niya. Actually, hiwalay na ang Dad ni Elmo at Mom niya pero naging magkaibigan ito. Ang paghihiwalay nila? Hindi din alam ni Elmo so hindi ko din alam.

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon