Chapter 2: Lost

2.9K 74 18
                                    


Palabas na ako nang makarinig ako nang ingay kaya napalingon ako. Nanlaki nalang ang mata kong nakita yung gang boss na nahihirapan sa paghinga. Nagkatinginan kaming apat na gulat at hindi alam ang gagawin.

Nanlaki ang mga mata niya na parang bang gusto niyang sumigaw sa sakit pero hindi niya magawa. Namumula na yung mata niya at nagpumiglas siya sa pagkatali niya.

"He-" sabi niya sana nang bigla nalang may lumabas na dugo sa bibig niya.

"Oh shit." Sabi lang ni Dylan nang umubo yung gang boss ng dugo.

Napaatras kaming lahat at di alam kung anong nangyayari sakanya.

"He's-"

Napatingin siya saakin saka kay Florence bago ulit saakin.

"Do something!" utos ko sa tatlo at sa gulat ay di sila agad nakagalaw.

Napunta ang tingin niya kay Grey at Dylan bago ulit napunta kay Florence at saakin.

"He's-" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang napaubo ulit siya ng dugo. "He-"

"Huli na." napatingin ako kay Florence nang magsalita siya. "Someone must've poisoned him before I arrived."

Isa pang ubo at hindi na gumalaw ulit ang gang boss.

"Pano na yan?" tanong ni Dylan. "Hindi pa naman natin nakukuha nag lahat ng alam niya."

I looked away from the blood and the corpse.

"Dylan. Tumawag ka ng tauhan para tumulong sayo linisin itong kalat. Florence, tignan mo kung may CCTV dito." Utos ko at agad naman lumabas yung dalawa. "Grey, find out anything you can in this office. Documents. Transactions, anything. Kailangan nating malaman kung sino si Frey."

Tumango si Grey at nagsimula nang buksan ang mga cabinet. Lumabas na muna ako ng office para tawagan si Sedric at Domenic.

Si Tito Domenic ang una kong tinawagan.

"O L. Napatawag ka." Sagot ni Tito. "May nangyayari nanaman ba?"

Might as well be the one to tell them. Siguradong malalaman rin naman nila.

"Wala naman. Inatake lang namin ang club ng gang na umatake sa bahay."

Natahimik ang kabilang linya kaya inilayo ko na muna yung cellphone sa tenga ko at nagbilang.

1...

2...

3...

"Cathia Izobel Carminatti!" sigaw ni Tito at parang naka-speaker sa lakas ng boses niya.

Inilapit ko na ulit sa tenga ko.

"Present." Sagot ko lang. "No need to shout Tito, wala namang namatay... maliban..."

Natahimik ako. Sabihin ko ba?

"Spit it out L." inis na sabi ni tito.

"Maliban na nga lang sa Boss nung Gang." Sagot ko at agad na inilayo ang cellphone sa tenga ko, baka mabinigi ako ng walang oras.

"Diane Yekaterina Vermillion! I expect you to be here in 30 minutes! And bring Florence with you!" sigaw niya at in-end na yung tawag.

Damn. Tumatagal mas nagiging moody ata si Domenic. Palagi naman sana siyang kalmado, maliban na nga lang sa ilang mga araw.

Matawagan na nga lang si Sedric bago pa tawagan ni Tito.

"Something happened?" tanong ni Sedric pagsagot niya sa tawag.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon