Chapter 11.1 : The War

653 14 1
                                    



Nang malapit na si L sa university ay kita na niya ang rami ng sasakyan na nasa labas ng gate. Dun na siya bumaba at agad na pumasok. Nakita niya sina Dylan malapit lang sa gate.

Nakatingin silang lahat sa R-Building. Napatay na ang sunog at tanging mga tauhan nalang ng Zeigren at Saverin ang nasa loob. Nakasarado ang gate na banatay ng mga guards ng parehong mafia kaya kahit mga reporters ay di makapasok. This is a personal property after all. Idadag pa ang taas ng gate at mga haliging nakapaligid ay wala talagang makakasilip dito sa loob.

Mabuti na nga lang nakita siya ni Boris na isa sa nagbabantay kaya nakapasok siya kaagad.

"San ka ba nanggaling at hindi mo sinasagot ang tawag?" Nag-aalalang tanong ni Dylan. "Akala ko ano nang nangyari."

"Naiwan ko sa kotse."

"Kakalis mo palang nang bigla sumabog ang second floor ng R-Building." Sabi ni Florence. "Buti nalang nakauwi na ang lahat. Swerteng walang nadamay."

Napatitig nalang doon si L.

"At nasan na ngayon sina Zyren?"

"Nandoon pa. Malapit sa R-Building kausap nila ang underboss ng Saverin." Sagot niya.

***

"Let's face it Zyren. There will never be peace. The Bratva and the La Cosa Nostra can't be in the same space without killing each other." Sabi ni Fedor.

"Alam ko. That's why one of us has to leave." Sabi ni Zyren na kahit alam niyang kung sino mana ng umalis ay siguradong iisipin ng ibang Mafia na talunan.

Naging alanganin na ang Zeigren dahil sa nangyari kay Shin at siguradong hindi papayag si Zane na magmukha nanamang talunan ang Saverin tulad noon.

"I don't see the Saverin leaving any time in the near future Zyren." Sagot lang ni Fedor.

"And so are we."

"Then I guess there is no other choice." Sabi niya at alma na ni Zyren ang ibig sabihin nito.

"Tingin mo ba talaga Fedor magagawa namin ito?" tanong ni Zyren.

He shrugged.

"Personally hindi ko iniisip na gagawin mo to. But I am just the underboss, I do not hold the perception of all the Bratva." Sagot niya. "But until then, we are at war."

"Pero kung mapapatunayan na wala kaming kasalanan?"

Parang gustong matawa ni Fedor sa sinabi niya.

"Ano kayang ebidensya ang makukuha mo na makaktalo sa nakuha namin?"

Nang hindi agad nakasagot si Zyren ay nagpatuloy na si Fedor. Sininyasan niya si Dwight na ipakita ang CCTV footage na nakuha nila.

"Sa pagkakaalam ko ay isa siya sa inyo."

Tinitigan ito ni Zyren at Nico at alam nilang galing yun sa cctv.

Kuha ito ng harap ng Russian Building, malapit sa entrance. Una ay tahimik pa ang Russian Building at wala kung anong nangyayari hanggang sa bigla nalang may tumakbo palabas na lalaki a tilang segundo lang ay sumabog na yung buong second floor.

Inulit nung may hawak ng laptop yung video at nag-pause sa parte na palabas na yung kung sino man yung tumakbo palabas ng building.

It was Chad.

Nagulat si Zyren pero hindi niya ito pinakita. Chad had some explaning to do at kung kailangan ay ipapahanap niya ito sa lahat ng miyembro ng Zeigren. Every damn place na pwedeng pagtaguan niya.

"Kung wala kang alam ay isuko mo siya saamin." Sabi ni Fedor.

***

Kinakabahan si L sa anong magiging desisyon nilang dalawa sa pag-uusap nila. Hindi biro ang pagpapasabog sa isang university na pagmamay-ari ng dalawang mafia at ang pinakamalaki at nirerespetong associate ng mga mafia. This will be a declaration of war.

Sigurado namang hindi ito magagawa ni Zyren kaya isa lang ang ibig sabihin. Si Vance De Luca.

"Kailangan na talaga natin siyang mahanap bago may madamay pang iba at bago pa mag-away ang dalawang mafia." Sabi ni L.

Investigations are still going on pero siguradong kailangan merong magbayad sa nangyari. Ang tanging suspect lang ng Saverin ay ang Zeigren matapos ang magkasunod na nangyari sa dalawang mafia.

Even if malaman ng mga Saverin ang tungkol sa nakapasok na Sicilian ay ibibintang parin ito ng mga Bratva sa Zeigren dahil sa hindi pagpuputol ng ugnayan nito sa mga Sicilian.

Si Zane at Zyren na ang Boss ng kanilang mga mafia. At kahit na magkaibigan man kami ay...

In the end...

They will always choose Blood.

They will always choose Family.

La Famiglia Prima di Tutto...

Family First before everything.

Rule 1 of the Vory V Zakone...

Forsake anyone who comes in between your obligation to the Family.

And in this war, no one comes out unscathed. 

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon