Chapter 8.1 : Secrets and Consequences

1.4K 42 4
                                    

"So dito pala yung address na sinasabi ni Liam?" sabi ni Dylan nang bumaba sila di kalayuan sa isang warehouse na napapalibutan ng mga fence.

"Anong gusto mong gawin namin?" tanong ni Klent while eyeing the closed fence. May iilang ilaw lang ang nasa paligid kaya konting parte lang ng warehouse ang nakikita nila.

"Just one." L turned to them. "Burn it down."

Sumakay na si L sa sasakyan habang nagpatuloy na sila papasok sa warehouse.

"And take a picture!" pahabol na sabi ni L.

She needed to be somewhere else. Sinabi ni Liam na kung gutso nyang malaman kung bakit pinatay si Shin ay kailangan niyang makilala yung taong kakausapin niya ngayon.

Isang oras rin bago nakarating si L sa isang marangyang resto kung san sila magkikita ni Liam.

"Mabuti naman nakarating ka." Sabi ni Liam sakanya nang makita niya ito sa labas ng restaurant.

"Sabihin mo diyan sa tauhan mo na lumabas na. Kanina ko pa alam na sumusunod siya." Sabi ni L kaya suminyas na si Liam sa tauhan niya at lumabas na ito mula sa isang kotse at nakangiting lumapit sakanila.

Siya yung lalaking bumaril kay Brendan De Lucci.

"L." Bati niya kay L. Base sa tindig at itsura niya ay alam ni L na siya yung tumulong sakanya pero parang may iba. Hindi alam ni L kung ano.

"Let's not keep our guest waiting." Sabi ni Liam at naglakad na sila papasok pero hindi parin mapigilan ni L na magtaka. Napatingin siya ulit dun sa lalaki pero ngumiti lang ito sakanya.

Habang naglalakad sila ay napansin ni L na walang lumilingon o nagtataka na may nakamaskarang lalaking nakasunod sakanila at dun nalaman ni L na ang resto na ito ay pinapatakbo ng mafia.

Lumiko sila sa isang VIP Lounge at sa isang table na kung san nakaupo ang isang lalaking ngayon lang niya nakita. Parang kasing edad lang ito ni Liam. Napatingin ito kay L with a bored look bago napatingin kay Liam.

"Giovanni." Sabi niya at napatingin ulit kay L. "Sino tong kasama mo? Babae mo?"

Sasagot sana si L nang magsalita si Liam.

"Another one of my guest." Sagot lang ni Liam at naupo na silang lahat habang yung nakamaskarang lalaki ay tumayo lang sa likod ko. "I suggest you watch your mouth in front of the lady."

"Lady? She's an important little thing then? What're you gonna do to her Giovanni? Use her for your plans?"

"Tapos ka na?" tanong ni Liam na parang bored lang at agad na natahimik yung lalaki. Kahit sa ingay ng resto ay parang naging tense yung paligid at pinagpapawisan yung lalaki. Mga ilang segundo pa ang nagdaan bago ulit nagsalita is Liam.

"Sa pagkakaalam ko ay meron kang gustong sabihin?"

Napaubo siya at napainom ng alak.

"Yung itinawag ni Zeigren saakin." simula niya at natigilan ako. "He made a bargain with me."

Magsasalita na sana si L nang mapansin niya ang tapik sa balikat niya. Napalingon siya at pasimpleng umiling ang tauhan ni Liam saka ngumiti. Nagtaka si L pero minabuti niyang manahimik.

"Ano ang kapalit?" tanong ni Liam.

"A favor." sagot nung lalaki. "Let's not go into details Giovanni. What you asked was only about what the previous Zeigren Boss wanted."

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon