Extra 2 : The Sleeping Prince is Finally Awake

687 11 0
                                    


His Pov

Ang liwanag ng paligid at pilit kong binubukas yung mga mata ko.

Nasan ako?

Napatingin ako sa puro puti na interior ng kwarto.

Bakit ako nandito?

Tumayo ako at pumunta ng pinto at walang pagdadawalang isip na lumabas.

Hindi ko matandaan itong lugar na to.

Malaki ang hall at mamahalin yung mga gamit na nakasabit sa mga dingding. Paintings, tapestries at iba pa.

Naglakad na ako at kung saan ay hindi ko alam nang pagliko ko ay may babaeng naka-dress at white mask ang pumasok sa isang kwarto. Parang napansin niya ako dahil lumabas siya ulit para tumingin at bigla namang pumasok ulit.

"Teka." Tawag ko at lumapit dun sa pinasukan niya. Sinubukan kong buksan pero naka-lock. "Teka. Gusto ko lang magtanong." Sabi ko sa harap ng pinto.

Walang sumagot.

"Bakit ako nandito?" tanong ko pero wala parin.

"Pano ako napunta dito?" sunod kong tanong pero ayaw parin sumagot o buksan ng babae.

"Ako nga pala si..."

Ako pala si... Pilit iniisip kung anong pangalan ko pero wala.

"Anong pangalan ko?" yun nalang yung nasabi ko at biglang bumukas yung pinto pero tahimik parin ako sa pag-iisip kung anong pangalan ko.

Bigla nalang sumakit yung ulo ko at nandilim yung pangin ko. Nararamdaman ko na nawawalan na ako ng malay hanggang naramdaman ko nalang yung kamay na humawak sakin para hindi ako bumagsak sa sahig.

May sinasabi siya pero hindi ko marinig sa sakit ng ulo.

Paggising ko ay nasa parehong kwarto ako. Naalala kong sumakit yung ulo ko tapos wala na.

Napahawak ako sa ulo ko pero wala na yung sakit.

"Okay ka na?" may biglang nagtanong kaya napatingin ako sa pinto. Nandun yung babaeng nakamaskara na puti at naka-dress ng plain gray.

"Hindi ko maalala yung pangalan ko." Sabi ko.

"May amnesia ka sabi ng doctor na pinapunta ko kanina nung tulog ka pa." mahinang sabi niya pero hindi makatingin sakin, may lungkot sa boses niya at nang napatingin naman siya saakin ay basa ng luha ang mata niya.

"Why are you-"

"You should rest." Putol niya na para bang alam niya ang itatanong ko.

"Sino ako?" tanong ko nalang sakanyan kasi baka alam niya. Bakit pa ba ako nasa bahay niya kung hindi niya ako kilala.

Tahimik lang siyang napatingin sa sahig.

"H-Hindi ko alam." Mahinang sagot niya na kung di sa tahimik ng kwarto ay hindi ko siya maririnig sa hina ng boses.

"Kung hindi mo ako kilala. Bakit ako nandito? Pano ako napunta dito?"

"Nakita kita... sa... tabi ng countryhouse namin na walang malay. May sugat ka sa ulo at walang nakakakilala sayo."

"Bakit wala ako sa ospital?"

"Na-comma ka ng matagal at nung paggising mo ay bigla kang nagpanic at pagkatapos nakatulog rin ulit pero hindi na comatose kaya minabuti na ng guardian ko na iuwi ka nalang kasi walang kamag-anak na naghanap sayo."

Natahimik nalang ako at napatingin sa kamay ko. Ano namang masasabi ko dun. Napalingon ulit ako sakanya.

"Bakit may maskara ka?" tanong ko at napatingin siya sakin bigla.

"Dahil... dahil..." yumuko siya ulit at napasandal sa door frame. "Maiwan na kita kailangan mo pang magpahinga." Sabi niya at mabilis na umalis bago ko paman siya mapigilan.

Marami pa sana akong naisip na itanong ngayon.

Sinong guardian niya?

Nasan ako?

Nung paggising ko ulit ay tanghali na at may pumasok na medyo katandaan na babae na may dalang tray ng pagkain.

"Nasaan po ako?" tanong ko.

"Sorry hijo pero si Miss Ress nalang tanungin mo."

Ress pala yung pangalan nung kanina.

"Nasan ba siya ngayon?"

"Siguradong nasa Rose Garden yun. Mahilig yun tumambay dun." Ningitian niya ako at umalis na.

Nakalimutan ko tuloy tanungin san yung Rose Garden. Malaki pa naman tong bahay base pa lang sa hall na nakita ko at sa laki ng kwarto.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong lumabas para hanapin yung rose Garden.

Obviously nasa labas yung kaya bumaba na ako ng hagdan at may nakitang double glass doors papunta sa isang garden.

Ang weird lang kasi wala akong ibang nakitang tao.

Maganda yung panahon ngayon, mahangin ng konti at maulap. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang may makita akong maraming Rosas at sa gitna ng garden ay may malaking gazebo at may nakaupo dung naka-dress na light blue at mask na light blue.

Hindi niya napansin ang paglapit ko pero nung pag-apak ko na ng gazebo ay bigla siyang lumingon at gulat na napaatras.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. "Pano mo nalamang nandito ako?"

Ningitian ko lang siya. Something about her makes me smile. I don't know what.

"Si manang." She sighed at tumayo pero nakatingin nanaman sa ibaba. "Mabuti pang bumalik ka na ng kwarto mo."

Lalagpasan niya na sana ako nang hawakan ko siya sa braso na ikinagulat niya at bigla napaatras kaya natapilok at napaupo sa mga halaman.

"Sorry." Agad kong sabi at tutulungan sana siyang tumayo.

"Kaya ko na." agad niyang sabi at umiwas ng tingin. "Ano bang kailangan mo?"

"Gusto ko sanang itanong kung nasan ako."

Tahimik lang siya.

"Alam kong bahay mo to pero saan?" tanong ko.

"Nasa isang private island ka." Sagot niya agad.

Private island? Grabe. Ang yaman pala ng nakakita sakin.

"Kaya pala wala akong makitang tao dito. Kayo lang ba nung babae kanina yung nakatira dito?"

Tumango siya.

"Yung guardian mo?"

"Taking care of business." Sagot niya. "Kung wala ka nang ibang tanong ay aalis na ako."

Umisip ako nang ibang matanong pero wala na at nakaalis na rin siya kaya nanatili nalang akong nakaupo sa gazebo at pilit na makaalala, kahit man lang pangalan ko.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon