Third Person's Pov
"Kamusta na po siya Doc?" tanong ng babae sa family doctor nila sa kalagayan ng isang binatang nakahiga sa isa sa private room ng mansion. Mahigit isang taon na at hindi parin gumigising ang binata at unti-unti nang nawawalan ng pag-asa yung babae na gigising pa siya.
"His vital signs are good pero hindi ko parin alam kung kailan siya gigising o gigising pa ba siya." Sagot ng doctor dun sa babae at napaupo nalang ang babae sa gilid ng kama nito.
Araw-araw siyang nagdadasal na sana magising na yung binata pero tila hindi dinidinig ang panalangin niya.
"I guess I should be going now." Paalam ng doctor at pinasalamatan niya ito bago ito makalabas ng silid.
Hindi niya parin makalimutan ang mga pangyayari nang iligtas nila ng mga kasamahan niya ang buhay ng binata. Muntik nang tumagos sa baga niya yung bala buti nalang hindi umabot at naagapan ang pagdugo. Minsan itong gumigising ang tinatawag ang nag-iisang pangalan hanggang sa ma-coma ito at hindi na ulit nagising.
That one name made her almost consumed by her guilt.
ȦvWSr.
BINABASA MO ANG
The Game Changer (Mafia Families #2)
ActionThe hero of this story is dead. He risked his life to save mine. And I lost everything. There is nothing left for me but a path of revenge. And there is nothing I would not do because I have nothing to lose. You think you know me, you think you know...