Chapter 9.4 : The Shootout

1.2K 34 2
                                    

"It was just a little scratch on the shoulder." Sabi ni Klent nang makauwi na sila galing sa clinic ng personal doctor ng Vermillion.

Sa mga ganito kasing sitwasyon ay hindi sila makakapunta ng ospital dahil baka magtanong ang mga doctor at tumawag ng pulis.

"Kasi hindi naman ikaw ang nabaril." Reklamo naman ni Florence.

Hindi katulad ni Klent na nadaplisan lang ay si Florence naman ay nabaril sa paa. Mabuti nalang ay hindi rin nabaril si Grey nang hilahin niya si Klent papasok ng building. Nagpasalamat nalang si L na hindi maalala ang nangyari sakanila.

"Ang lakas na talaga ng loob nila para mamaril sa harap pa talaga ng Vermille." Sabi ni Florence at napunta nag tingin ni L kay Grey na tahimik lang at parang ang lalim ng iniisip.

"It was Frey." sabi ni L at lahat ng tingin ay napunta sakanya.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ni Grey.

"Tinawagan niya ako."

"Ah oo nga pala L. San ka ba pumunta? Nang tanungin ko si Dylan ay sabi niya may lakad ka raw." sabi ni Florence at natahimik si L.

"May kinusap lang akong asset." Sagot niya at base sa mukha ni Klent ay alam niyang may hindi siya sinasabi sakanila.

"Without telling us?" tanong ni Klent kaya ang atensyon ay napunta sakanya.

"I didn't think it was necessary to bother you." Sagot agad ni L. "I'm not inclined to tell you everything I do Klent. I am completely able to do a simple errand."

"Everyone. Out." Sabi ni Klent at walang imik na sinunod nila ang utos niya.

L clenched her jaw. Hindi nakita ni L na magalit si Klent. She might have seen the calm cold blooded look on his face in an interrogation pero hindi ganito.

"Alam kong nagsisinungaling ka." Kalmadong sabi ni Klent. "You forget where or what I've been."

A bred Giovanni who can smell a lie from a miles away. Sabi nalang ni L sa isip niya.

"Alam mong kapag ang kapakanan na ng Famiglia ang pinag-uusapan ay hindi mo ko kaibigan. I am the front Boss and the Consigliere."

Minabuti nalang ni L na manahimik.

"Alam mong nasa gitna tayo ng Blood war." Patuloy ni Klent. "Alam mo na kahit na anong oras ay pwedeng mawala lahat ng pinaghirapan natin. Pinaghirapan nina Domenic, Sedric at lalo na si Carrie pero umalis ka parin ng hindi nagpapaalam. We can't help you L, if you hide things from us."

"Tingin mo hindi ko alam yan?" napalakas na sabi ni L sa inis.

Klent had no right to chastise her for her actions. Ginawal lang naman yan yun dahil may impormasyon si De Luca na kailangan namin. Hindi naman pwedeng iasa nalang niya sakanila o sa kanino man ang lahat.

"If you knew, you wouldn't have done something this stupid."

"Tulad ng sabi mo Klent. Ikaw ang front boss, and Consigliere. Hindi ang Boss, hindi ang tagapagmana." Sagot ni L. "You are not my keeper Klent. You are not Sedric or Domenic. You don't control what I do."

"Tapos ka na?" tanong ni Klent at hindi na sumagot si L.

"You went out without telling anyone where you were going and what you were doing. Pano kung may masamang nangyari?"

Hindi agad nakasagot si L. She knew it was reckless but she had to. That was her only justification and Klent will think it was stupid putting the information over her life.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon