Chapter 11.4 : The Bargain

588 10 0
                                    

Napatitig kaming lahat sakanya.

"You were never a Vermillion, Diane." Sabi ni Brianna De Luca.

Ang sunod nalang na namalayan ko ay si Dylan na nasa harap ni Brianna habang si Brianna ay nakasandal sa dingding ng warehouse at nakatitig sa dulo ng isang baril.

"Brianna!" sigaw ni Vance De Luca.

"Tell us the truth now De Luca." Dylan gritted out habang walang imik at kalma lang si Brianna na nakatitig kay Dylan. Ngayon ko lang nakita si Dylan na ganyan magalit.

"Yan ang totoo." Sagot lang ni Brianna sakanya. "Go on, shoot me. Tignan natin kung may malalaman pa kayo galing saakin."

"I could just kill you and torture the truth out of your brother." Sagot ni Dylan.

"Tingin niyo magsasalita pa siya pag sinaktan niyo ako?" Brianna smirked at ganun rin si Dylan.

"Ba't hindi natin subukan?"

Brianna just clenched her jaw.

"Dylan tama na yan. Kailangan pa natin siya." Sabi ko nalang after I gathered my thoughts.

"L... You can't possibly..." reklamo ni Dylan.

"Dylan, tama si L. Kailangan pa natin siya." Si Grey na ang nagsalita.

Inis na tumingin si Dylan kay Brianna.

"Tsk. Pasalamat ka."

"No. Kayo ang magpasalamat na hindi ako dumiretso sa mga Capriotti." Sagot ni Brianna at napatingin ulit saakin. "Pag nagkataon ay kakalabanin kayo ng buong Sicilian Mafia at hindi na kailanman mabubuo ang Vermillion. Walang susunod sa isang impostor. Maaaring sinusuportahan ka ng Boss ng Morelo at Gabaldon, pero yung mga capo? Do you think na papayag sila?"

"Pano mo nasabi na hindi ako isang Vermillion? Who am I exactly?"

"Sa mga Sicilians ay ang De Luca ang pinakamahina, ang pinakamaliit na Family." Simula ni Brianna at napatingin sa kapatid niya na parang humihingi ng tawad. "I had to, I had no choice."

"Mamaya na yang drama niyo." inis na paalala ni Dylan.

Tinignan naman siya ng masama ni Brianna. "As I was saying... Kahit kami ang pinakamahina ay kami ang pinakamaraming nalalaman. That was what we had that none of the other families have. Information. Impormasyon tungkol sa mga sekreto ng ibang Sicilian Mafia."

"You're saying na ako ang sekreto ng Vermillion?"

"Diane ang pangalan mo... pero hindi ka isang Vermillion. Hindi ka anak ni Erza at Don Mirko Vermillion." She gave me a sorry look. "You are Diane Yekaterina Resvneszshka. Anak ka ng half-sister ni Erza."

Natahimik ako ulit bago napatingin kay Brianna.

"You know this is suicide." Sabi ko pero wala langsakanya.

"Alam ko pero hindi ko naman pwedeng pabayaang mamatay ang isang yan." Sabi ni Brianna at ningitian ang kapatid niya.

"Ngayon na alma na namin, pano mo masisiguro na makakaalis pa kayo ng kapatid mo?"

Ningitian lang ko ni Brianna.

"We both lost someone very important to us Diane. Pareho rin natin gusto protektahan ang mga taong natitira saatin. That's what I am doing." Sagot niya. "I'm not afraid to die. I just need to make sure my bastard of a brother doesn't get himself killed."

"Bree, alammong hindi ko hahayaang mangyari yun."

"But you don't have a choice Vance." Sagot ni Brianna sa kapatid niya. "My life is not my own, you know that."

"And if we decide to kill you?" tanong ko.

"Don't you f*cking dare hurt a hair on her head!" galit na sigaw ni Vance.

"Hindi niyo pwede yang gawin." Confident na sagot niya. "Like I said, wala kong pakialam kahit pa patayin niyo ako ngayon pero kung sasaktan o papatayin niyo si Vance? Lahat ng nalalaman ko ay malalaman ni Capriotti."

"What do you propose?"

"Protect my brother. Kahit siya lang. Hindi ako magsasalita, walang malalaman si Capriotti."

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon