L's Pov
Inis akong bumalik sa mansion nang napansin kong nakatayo ang kambal sa pinto at dumating na pala sina Florence na nag-uusap sa di kalayuan. Agad kong kinuha yung isang throwing knife sa loob ng sapatos ko at pinalipad ito papunta dun sa nakatalikod na kambal. It landed on the wall just above his shoulder. Damn. Hindi pa tumama.
"What the hell?!" sigaw nung isang kambal at napatingin saakin. Nagulat ako nang makita kong puro asul ang mga mata niya at yung katabi niya ay brown at asul. Shit. I got the wrong twin.
Gulat nag lahat ng nakatitig saakin.
"Hindi lang tayo nagkita sandali ay gusto mo na akong patayin. Ano ba ang nagawa ko?" Sabi ni Giorgino.
"Why don't you ask your bastard of a twin." Inis na sagot ko at napatingin siya kay Gianluca na nakangisi sa tabi niya. Gusto ko siyang sapakin pero alam kong makakailag siya.
"Ano nanaman ginawa mo Luca?" inis na sabi ni Gino sa kakambal na para ba yung galit siya sa ginawa ko ay binunton niya sa kambal niya.
"I think we just had a bit misunderstanding." Kalmadong sagot niya habang napabuntong hininga nalang si Gino.
"She almost buried a knife on my back and you're saying it's a bit of misunderstanding."
"Though I do not know what I possible did to offend Miss Carminatti, I'll try to refrain from offending her again." Kalmadong sagot ni Gianluca at tumitig saakin at parang hindi ako mapakali sa tingin niya.
"Ang aga pa para patayin mo ang guard mo L. Give them a chance." Sabi ni Klent.
"Pasensya na talaga L. Don't take it the wrong way pero may problema lang talaga sa utak tong kapatid ko." Sabi ni Gino at napangiti nalang. "Brokenhearted kasi to kaya ganito."
Bigla nalang nag-iba ang aura ni Luca kaya
"Why don't you shut your mouth brother." Sabi ni Luca pero natawa naman si Gino sa di ko alam na dahilan kaya mas nagalit lang si Luca. "Shut it before I burry a blade down your throat."
Napalunok naman si Gino at tumahimik na.
"Chill. Brother. Mamamatay ka nyan ng maaga." Sabi ni Gino.
Iniwan ko nalang sila at lumapit kina Dylan. Nakita ko nalang sila na sumama kay Klent paakyat.
"Ano tingin niyo sa bago nating housemate?"t anong ni Dylan saaming tatlo nina Grey.
"Okay lang si Gino. Siya yung nagligtas saakin kay Brendan at sa resto. Pero yung kambal niya, parang may iba kay Gianluca." Sagot ko naman.
"Anong tingin mo sa dalawa?" tanong ko kay Grey. Sa aming apat siya ang profiler, magaling siyang kumilatis sa isang tao kahit sa itsura lang nito.
"Yung si Giorgino. I shook their hands earlier at napansin kong medyo magaspang ito at may cut marks. Tingin ko ay magaling siya sa mga kutsilyo." Sagot niya. "Napansin ko ring madali siyang pakisamahan."
"Eh yung isa?"
"You mean Gianluca. Medyo kakaiba siya." Sagot ni Grey. "Masyado siyang tahimik kanina. Tingin ko rin ay magaling siyang makipaglaban. Napapansin niyo ang tindig niya. Yung postura at body build niya. He gives off the impression of a fighter. At sa kilos niya kanina ay parang may iniinda pa siya."
"Baka galing sa laban." Komento naman ni Florence.
Grey just shrugged.
"Nga pala." Biglang sabi ni Dylan. "May results na, may fingerprint nga sa shell ng bala pero wala pang match."
BINABASA MO ANG
The Game Changer (Mafia Families #2)
ActionThe hero of this story is dead. He risked his life to save mine. And I lost everything. There is nothing left for me but a path of revenge. And there is nothing I would not do because I have nothing to lose. You think you know me, you think you know...