Have you ever felt that someone is following you? Yan ngayon ang nararamdaman ko. Nandito kami sa Boston ngayon para hanapin ang Queen of Poisons.
"You have to keep a low profile. Hindi kayo pwedeng padalos-dalos dyan, hindi natin yan teritoryo." Sabi ni Klent na kausap ko ngayon sa cellphone habang nagd-drive ako papunta sa apartment. Ilang ulit rin akong napatingin sa side mirror kasi kanina ko pa nararamdaman na may sumusunod saakin.
Maybe I'm just paranoid kasi maraming mafia dito.
Sa pagkakaalam ko ay tatlong mafia ang nandito. The Cosa Nostra, The Bratva and the Irish. I know the Bratva and Cosa Nostra but not the Irish Mafia. They all have territories and going out of territories can get you killed.
"They'll meet you at the apartment. Mag-ingat ka L. If the storm hits the ground, you get out of there." Sabi niya at tinapos na yung tawag.
Klent is a Morelo Boss. A Sicilian as well as a Giovanni. Hindi siya pwedeng makitang kasama dito, masyado mapanganib, hindi pa namin alam kung anong magiging reaksyon ng mga Mafia dito pag dumating siya. Ganun rin kay Fiona na ngayon ay Boss na ng Gabaldon. We all arrived separately to keep a low profile.
Si Dylan ang nauna at siya rin yung bumili ng apartment. Which is the safest kasi hindi siya Capo ng Morelo o Gabaldon but he's a made man of a different mafia na kaanib ng mga Gabaldon. The less we attract attention the better.
Sunod na dumating ay si Florence at saka si Grey, I am the last to arrive. So far wala naman nakuha ang asset namin na nakatunog ang mga Mafia dito. Which is good.
Ang hahanapin lang naman namin ay ang Poison Queen at dito raw siya huling pumunta. No one knows her face. Her real name, ang tangi lang namin alam ay, when we talk to the right people we'll find her. And the right people are here in Boston. The state where the criminal underground is alive as it gets.
And a person named Vasily, an arms dealer in the black market. Siya ang unang lead namin para makita namin ang associate ng Poison Queen.
Lumiko na ako sa kalye kung saan yung apartment at agad na huminto nang nakita nag building. Napatingin ako sa paligid at nakita ang club na sinabi ni Grey na pagmamay-ari ng Bratva.
The Tarasov Bratva.
Napatingin saakin yung isang lalaking pumasok sa club kaya agad na akong pumasok sa building. No need to draw attention to myself.
Agad na akong umakyat sa apartment no. 512. Pagpasok ko ay sakto lang ang laki nito at wala pa sina Grey at pagtanaw ko sa bintana ay kita nga ang Club mula rito.
"Honey! I'm home." Sigaw ng walang iba kundi si Dylan.
"Dylan. Shut it." Sabi ko lang.
"You're no fun L." komento niya at nilapag na ang kung anong binili niya sa counter sa kusina. "How's the ride?"
"Ang rami palang clubs dito." Sabi ko meaning ang street malapit dito.
"Mga pagmamay-ari ng Bratva at Irish. Medyo malayo dito sa Cosa Nostra." Sagot ni Dylan. "After all who would think Italians hiding out on their territory?"
No one. Because that would definitely be suicide.
"Si Florence at Grey?"
"Two floors down. Surveillance." Sagot ni Dylan and grabbed some food. "Umakyat lang ako para ihatid ang mga to."
Palabas na siya nang may maalala siya.
"Call us if you need anything." Sabi niya at agad na sinara ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Game Changer (Mafia Families #2)
ActionThe hero of this story is dead. He risked his life to save mine. And I lost everything. There is nothing left for me but a path of revenge. And there is nothing I would not do because I have nothing to lose. You think you know me, you think you know...