Extra 3 : Feeling Lost

617 10 0
                                    


Nag-dinner ako sa dining room kasi kaya ko naman. Masyado namang abala kapag maghahatid pa sila ng pagkain para sakin.

"Excuse me po. Hindi po ba sasabay si Ress sa pagkain?" tanong ko habang nakaupo sa isang malaking round table.

"Naku wag mo na yung alalahanin. Hindi yun sasabay." Sagot niya.

"Bakit naman po?"

"Ganun lang talaga yun pagkatapos nung aksidente."

"Aksidente?" ulit ko.

Napatakip si mannag sa bibig niya. "Naku. Wag mong sabihin nabanggit ko sayo. Ayaw kasi pag-usapan ni Miss Ress."

Hindi nalang ako nagtanong kahit gustong gusto ko.

There's something about Ress that draws me. Para bang gusto ko siyang makilala at ang gaan gaan ng loob ko sakanya.

Pabalik na ako ng kwarto nang makita ko siyang palabas sa garden kaya sinundan ko.

"Don't follow me." Agad niyang sabi.

Kala ko pa naman hindi niya napansin.

"Akala ko papasa na ako bilang ninja."

Parang narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"You're doing a terrible job sneaking." Sabi pero pero ramdam ko yung gniti sa boses niya.

"So where are you sneaking to?" tanong ko naman na nakangiti na.

"Wala ka na dun." Sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad kaya sumunod rin ako.

Mabuti nalang hindi na siya nagreklamo. Maliwanag yung gabi ngayon kasi full moon at ang liwanag ng buwan at ang raming bituin.

Katulad kanina ay umupo siya sa gazebo at umupo ako malapit sakanya.

"Mahirap ba na wala kang maalala?" tanong niya bigla habang tahimik lang kami.

"Hindi ko alam. Medyo. Ewan." Ningitian ko lang siya.

"How could you smile like everything's okay?" tanong niya.

"Wala akong maalala. So basically kung may problema man ako ay hindi ko rin maalala."

Parang napangiti siya ng konti.

Napatitig ako sa maskara niya na natakpan mula noo niya hanggang ilong at bibig lang yung nakikita.

I wish I could see her face.

Paggising ko ng umaga ay hindi nanaman sumabay si Ress sa breakfast. Baka sa garden nanaman yun tumambay.

I looked for her again. Ewan ko ba kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sakanyan ni hindi ko nga siya kilala. Pero kilala ko ba siya bago ako nagka-amnesia? At bakit ako naaksidente? At bakit ako iniwan doon sa country house nila? Yun lang ang lahat ng sinabi ni Ress saakin. Wala raw rin siyang alam sa kung anong nangyari saakin at wala rin makuha yung mga pulis na may hawak ng kaso ko.

"Nandito ka nanaman?" anooyed na tanong niya saakin.

"Wala naman akong ibang pagpupuntahan diba?" patanong na sagot ko and smiled at her. Tumitig siya saakin sandali bago umiwas. Napansin ko ang lungkot sa mata niya. "Bakit mo yun ginagawa?"

"Ang ano?"

"Ang umiwas ng tingin na parang mas lumulungkot ka kapag nandito ako." Sabi ko lang staring at the distant horizon ewan ko kung bakit ako tumitingin dun pero dun rin siya nakatingin palagi. I turned to her. She was so quiet.

"Do I make you sad?" tanong ko.

Tumingin siya saakin at basa ng luha ang mga mata niya.

"No." mahinang sagot niya. "Masaya lang ako."

"Pero umiiyak ka?"

"Maiintindihan mo rin." Sagot lang niya saakin and offered me a weak smile.

"Sometimes I feel like I know you but that's weird. Nakita mo lang naman ako diba?" pabirong tanong ko pero seryoso siyang nakatingin saakin.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon