Chapter 10.2 : The Death of the Zeigren Boss

823 14 2
                                    

L's Pov

Wala parin kaming plano kung pano makalabas dito. Pinagtataka ko lang ay kung bakit hindi pa kami pinapasok ng mga kalaban at sa halip ay nakatambay sa doon sa labas.

Something is not right here. May hinihintay ba sila?

"Luca. Hey Luca. Keep your eyes open bro." sabi ni Gino sa kakambal niya.

"I'm still alive." Inis na sabi ni Luca pero kitang kita na ang panghihina. I clenched my jaw, hindi ko alam pero inis rin ako.

Kailangan na talaga naming makalabas dito.

"Sa likod tayo dadaan."s abi ko kasi base sa nakita namin kanina ay mas konti yung nasa likod keysa yung nasa main entrance. There were only eight at back while almost fifteen at the entrance. "Gino ibigay mo yung last round ng bala mo kay Grey. Siya ang mauuna, sunod ako tas Gino ikaw ang aalalay kay Luca."

"I can still fight." Sabi ni Luca pero tinignan ko siya ng masama.

"No. You can't." sabi ko at napatingin kay Gino. "Wag kang makinig sa kung ano mang sasabihin ni Luca. Naintindihan mo?"

"Yes Boss."

"Good. Cause we're all getting out of here alive." Sabi ko.

Naglakad na kami papunta sa likod na daanan. Halatang pinipilit lang ni Luca na ihakbang ang mga paa niya.He looks as pale as a ghost. Tumigil kami sa harap ng isang pinto. Tumayo ako sa right side, habang si Grey sa left. Nasa tabi ko si Gino at Luca.

I can't let anyone in my team die tonight.

"On the count of three." Sabi ko at tumango si Grey.

"1..." simula ko nang makaringin kami ng maraming putukan sa labas. Nagkatinginan kaming lahat. Mga ilang minuto lang ang tinagal ng putukan at naging tahimik nanaman.

Naghanda na kami sa kung sino man bubukas ng pinto.

"All clear." Rinig namin may sabi mula sa labas.

"Dali. Hanapin niyo sila." sabi ng isang pamilyar na boses.

Napatutok kami nang bumukas ang pinto at pumasok ang walang iba kundi ang consigliere ng Davino Family.

"Ms. Vermillion."

"Mr. Bradford. Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko nang may nagsipasukan namang mga tauhan ng Davino.

"Rescuing our princess." Sagot niya at inuutusan na ang mga tauhan niya na I secure ang buong warehouse.

"L!" napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Dylan.

May dugo yung gilid ng noo niya.

"Anong nangyari? Alam mo ba kung nasan si Florence?" agad na tanong ko.

"He's safe." Sagot ni Dylan. "Kasama ng mga dumating."

"B-" magsasalita pa sana si Mr. Bradford

"Mr. Bradford." Sabi ni Dylan sa nakakatandang consigliere ng Davino.

"You should get your head checked." Sabi lang ni Mr. Bradford at may lumapit na tauhan ng Davino sakanya.

"Boss. Nahanap na namin ang signal jamming device." Sabi nung tauhan niya.

Tumango si Mr. Bradford at pinauna na yung tauhan niya para ipahanda yung sasakyan.

Someone grunted at nakita ko nalang na nakahiga na si Luca sa sahig.

"Luca!" napasigaw si Gino at agad na lumapit ang mga tauhan ng Davino para isakay siya sa sasakyan. Napalapit naman ako doon.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon